"Adam, wag kang nagbibiro ng ganyan!" kinakabahang sabi ko. Shet! Kung totoo ang sinasabi ni Adam kinikilig ako! "I'm not joking," seryosong sabi nito, habang nakatitig sa akin. "Wag mo nga akong nilolokong bwisit ka!" Lalabas na talaga si heart-heart ko sa dibdib ko! "Hindi din ako nakikipaglokohan, baby," sabi nito, habang matiim na nakatitig sa akin. "Haba ng hair!!" sigaw nung tatlo. Pinandilatan ko naman iyung tatlo. Kanina pa kami gumagawa ng eksena dito sa coffee shop. Malamang nito mapatalsik kami dito mayamaya kapag may nagreklamo sa ingay nitong tatlo. Binalingan ko si Adam. "Io-order ba kita? I bet kulang ka lang sa frappe," inunahan ko na siyang tanungin, bago pa niya ako utusan. "Shocks! Hindi pa nga iyan nag-frappe, matamis na paano pa pag uminom pa 'yan?" komento ni

