Hindi ako makatulog kaya nagpasya akong i-on ang phone ko. Hinanda ko na ang sarili ko sa makikita ko. Or worst, matiyempuhan na naman ako ni Adam. Sakto, pagkabukas ko ay nag-ring nga ito. Kuya Elliot calling..... "Hi, Kuya...." ["Hannah! My goodness... bakit ka ba nag-off ng phone mo? Nag-aalala na sila Nanay at Tatay."] "Sorry na, Kuya. Eh, may trabaho nga ako dito di ba? Alam mo na... marami akong gawa. Okay lang naman ako. Wag na kayong mag-alala sa kin." ["Hay naku! Ikaw talaga... sige na. Magpahinga ka na. At pwede ba i-on mo na yang phone mo?"] "Okay.... sige.... bye na Kuya!" ["Yung pasalubong namin ha!"] "Oo na. Mukhang pasalubong..." In-end ko na ang call. Alam ko namang biro at paglalambing lang sa akin ni Kuya iyon. Pero nagulat ako sa nakita ko sa screen. 150 mes

