Patuloy lang si Adam sa paghatak sa akin. "Adam! Stop! Saan mo ba ako dadalhin?" impit na sigaw ko dito. Nakakakuha na kami ng atensiyon sa resort. "Damn, Hannah! Iuuwi na kita!" galit na sabi nito. "Nang naka-two-piece lang ako?" tanong ko dito. Bigla naman itong huminto sa paglalakad, at saka tiningnan ako mula ulo pababa. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Oh! Eh, di natameme ka! Binitawan nito ang kamay ko, at saka naisabunot nito ang kamay niya sa buhok niya. "Where is your f*cking clothes? Every man here is ogling at you!" gigil nitong sabi. Naningkit ang mga mata ko. Tapos ay lumingon ako sa pinanggalingan namin, at saka ko hinanap si Neslin. "Neslin! Yung keycard?" sigaw ko. Tumakbo si Neslin papunta sa akin at saka inabot ang keycard at yung duffle bag kong naiwan doon sa

