Inayos ko ang mga damit ko sa kuwarto namin ni Adam. Hindi pumayag ang kumag na doon ako mag-stay sa resort ni Lance. Mahirap na daw na masalisihan siya. Ayaw din naman niyang doon mag-check in. Baka ipalason daw siya ni Lance sa cook ng hotel. Kaya ang nangyari, isinama niya ko sa isang hotel malapit sa resort ni Lance para mabilis akong makakalipat araw- araw. "Hoy, Adam! Sumama ako dito pero ang usapan natin - no s*x. Baka nakakalimutan mo!" sita ko dito, at saka pilit inalis ang mga braso nito. "Akap lang naman... sungit talaga nito." "Tapos mamaya, saan na naman makakarating yang kamay mo! Layo!" pagtataray ko dito. Bumuntong-hininga ito at saka umusod palayo sa akin. Sinamantala kong ilagay ang bag ko sa pagitan namin. Paglingon ko kay Adam ay nakasimangot ito habang nakatingin s

