"One more word to my woman, Severino or I will punch you again." "Adam!" Napatayo ako. Ayokong magkagulo. Lumapit ako kay Adam. "Tara na. Kumain na tayo para makaalis na tayo agad," sabi ko dito, sabay hila dito papunta sa buffet table. Atubili mang sumunod sa akin ay nagpahatak din naman si Adam. Nasa buffet table na kami at nilalagyan ng pasta ni Adam ang plato ko, nang sumulpot si Lance sa tabi ko. "This is better than pasta..." sabay abot nito ng plate of salad sa akin. Napalingon ako kay Adam. Nakita kong umigting ang panga ni Adam, at saka tumingin kay Lance. "Uhm... ano... tamang-tama iyang salad dito sa pasta...." nakangiti kong sagot dito. Pagkakuha ko sa plato ay umalis na din si Lance kaya nakahinga ako nang maluwag. Bumalik na kami ni Adam sa mesa namin nila Neslin at

