Kalalapag lang ng eroplano sa NAIA. Sumilip ako sa bintana ng eroplano para tingnan ang klima. Palibhasa ay alas-singko na ng hapon kaya wala nang araw. Sa wakas, tatahimik na uli ang mundo ko. Malayo sa bangayan ni Adam at Lance. Buti na lang at pumayag si boss na palitan na ako doon sa resort ni Lance. "Baby, let's go..." Nilingon ko si Adam na nakatayo na ngayon at hinihintay akong tumayo. Yes. Kasama ko siyang bumalik ng Manila. Naawa na rin naman ako sa negosyo niya, at baka napapabayaan na niya kaya ako nag-request sa opisina na pallitan na ako, bukod sa naririndi na ako sa paistaran nilang dalawa ni Lance. Hawak-kamay kaming bumaba sa eroplano. Hanggang sa pagkuha namin ng check-in bags ay hindi pa rin nito binibitiwan ang kamay ko. Pakiramdam ko ngayon ay isa akong bata na anyt

