"Clover hindi na kami tutuloy ni Adam. Magpahinga na muna kayong mag-ina. Babalik na lang kami bukas,y" sabi ko dito. Sinundo namin silang mag-ina sa airport at sinamahan na din sa hospital kung saan naka-confine ang Papa ni Clover. Naiakyat na ni Adam si Cassandra sa kuwarto nila. Nakita kong kumunot ang noo ni Clover. "Bakit di ka na lang dito mag-stay?" sabi nito sa akin. Nag-iwas ako ng tingin dito. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya yung tungkol sa amin ni Adam. Ano bang meron sa amin ni Adam? Isang relasyon na walang kasiguraduhan? Ngayon, oo. Kami siguro. Pero paano pag dumating na naman si Gracie? "Ano.... may kailangan lang akong asikasuhin muna ngayon. Promise. Babalik ako bukas," sabi ko kay Clover. Itinaas ko pa ang kamay na parang nanunumpa. "Hannah...." sabi

