Clover calling... "Hello...." tinatamad kong sabi at saka ko uli ipinikit ang mga mata ko. ["Ngayon ka lang nagising? Anong oras pa tayo makakarating sa St. Louie's?"] narinig kong sabi ni Clover. Pinilit kong idilat yung isang mata ko para aninagin ang oras sa screen ng cell phone ko. Alas otso na pala... "Sorry na girl, I overslept. Bihis ka na ba?" tanong ko dito. ["Kanina pa."] "Sige. Give me fifteen minutes..." ["Hannah?"] naiirita nitong pagkakasabi. Eto kasing Adam na 'to eh! Ang landi-landi kagabi... ["Nasaan ka ba? Dadaanan na lang kita. Bibili na lang ako ng breakfast mo para mabilis..."] narinig kong sabi nito. Sh*t! Wala na talaga akong lusot kay Clover. Alangan namang sabihin kong nasa bahay ako ng magulang ko? Eh, kung puntahan ako doon ni Clover? Mas lalo nang nali

