"Alam mo Hannah, kamukha mo si Bianca. Iyung sa commercial ng Vitamin E ng sikat na brand," sabi ni Agatha, Senior Accountant din, pero sa kabilang cluster dito sa office. "Huh? Parang hindi naman..." nag-iisip kong sabi. "Kamukha mo kaya.... kasi sabi dun sa commercial -- 'blooming na blooming!'" sabi nito, at saka malapad na ngumiti. "Ewan ko sa iyo, Agatha... ang aga mo kong binu-bully ha..." sagot ko rito. "Hindi nga, Hannah... ano bang ginagawa sa iyo nung boyfriend mo, at ang blooming mo nitong mga nakaraang araw?" mahina nitong tanong sa akin. "Ano... pinapakain niya ako." pigil ang ngiting sagot ko sa kanya. "Oh my! Kinakain mo naman??!" nanlalaki ang mga matang balik-tanong nito. "Oo naman! Ang sarap kayang magluto ni Adam!" hindi ko mapigilang ngumit

