Magkasama naming inayos ni Adam ang mga pagkain sa mesa. Tahimik lang kami pareho na tila nagpapakiramdaman. Nasa kabilang side naman si Gracie malapit sa glass window. Malandi itong nakikipag-usap sa cellphone niya. Napapatingin naman si Adam dito tuwing tila kinikilig itong tumatawa. Mayamaya ay lumapit na ito sa mesa at saka naupo. "Kakain na ba tayo?" maarteng sabi nito. Minabuti kong huwag na lang sumagot. Ayaw ko man iyong ganitong tatlo kaming nandirito sa isang kuwarto, pero hindi ko naman basta-basta ipauubaya si Adam kay Gracie. Over my beautiful body! "Sinong kausap mo?" malamig na tanong ni Adam dito. "Oh.... a suitor from New York. Guwapo siya... pero mas guwapo ka..." maarte pa ding sabi nito. "Kukuha lang ako ng spoon and fork," sabi ni Adam, at saka aktong tatalikod n

