Book 3 PICTURE FRAME

1441 Words

Nagising na naman ako na may pagkahilo. Hindi na kasi ako sanay uminom. Kailan pa ba ako huling uminom ng alak? College pa yata. Na si Adam din ang dahilan. Lahat naman ng heart aches ko ay pulos kay Adam lang. Hindi ko naman dinamdam iyung nangyari sa amin ni Sevie noon. Kumusta na kaya iyung mokong na Sevie na 'yun? AS usual, pagdating ko ng opisina ay may flower arrangement na naman sa ibabaw ng mesa ko. Napailing na lang ako. Hula ko naman ay hindi tatagal si Adam sa panunuyong ginagawa niya. "Hannah. Andyan ka na pala. Pinapatawag ka ni boss," bungad ni Agatha. Napahawak ako sa dibdib ko. Bigla akong kinabahan. Wala akong alam na pagkakamaling nagawa ko maliban sa pakikipag-boksing ni Adam kay Lance. HUMINGA muna ako ng malalim bago marahang kumatok sa pinto ng opisina ni Sir Cu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD