Tiningnan ko si Gracie. Ganito na ba kamanhid ito? "Excuse me. CR lang ako..." sabay tayo ni Hannah. Sinundan ko ito ng tingin. How I long to embrace my Hera. Nang biglang tumunog ang intercom. Tumayo ako para sagutin ito. "Sir, Mr. Laserna is here. May papipirmahan daw po sa inyo," sabi ni Estela. "Okay. I'll just go out there." Ayokong maiwan mag-isa kay Gracie. Hindi pa ako nagtatagal sa labas ng opisina ko nang may narinig akong sigaw mula sa loob. "Adam! Adam!" Napapasok ako agad. Nakita kong mangiyak-ngiyak si Gracie habang hawak ang pisngi niya. "What happened?" tanong ko dito. Biglang yumakap ito sa akin. Nang biglang lumabas sa CR si Hannah. "Siya! Sinampal niya ako! Tinatanong ko lang naman kung okay siya. Concerned lang naman ako sa kanya. Tapos ito pa ang igaganti n

