[Adam] Andito ako ngayon sa favorite bar namin ng mga barkada kong sina Klarence, Chad at ni Judd. Tinawagan ko si Judd kanina. Hinihintay ko na lang siyang dumating, pero naka-tatlong bote na ako ng alak, wala pa rin siya. Si Klarence ay nasa Dubai ngayon para sa isang conference. Samantalang si Chad ay nasa Palawan, para personal na pamahalaan ang private wedding na nagaganap ngayon sa isa niyang resort doon. So, wala akong choice kung hindi pagtiyagaan si Judd. Mabuti na lang at okay na kami ngayon. Matagal din kaming hindi nag-usap nung saktan niya si Clover. Pero nakita ko naman kung paano siya nagdusa nung iniwan siya ni Clover ,at kung paano siya gumawa ng paraan para bumalik uli ang mag-ina niya sa kanya. Masaya ako para sa kanilang dalawa. Ako kaya? May pag-asa pang sumaya? [

