"So, this is goodbye?" tanong ni Lance, habang nakasilip mula sa labas ng bintana ng van na pinagamit niya sa amin ni Adam. Naka-upo kami ni Adam sa second row. Pinahatid kami ni Lance sa isang staff niya dito sa resort. Ngayong araw na ito ang biyahe namin ni Adam pabalik ng Manila. Actually, nung nakaraang araw pa gustong bumalik ni Adam pa-Manila. Buntis na nga ako at lahat, nagseselos pa din siya kay Lance. Pero may mga kailangan pa kasi akong tapusing reports para pag nag-turn-over ako ng trabaho ay hindi mahihirapan iyung papalit sa akin. Isa pa, hindi ko pa napupuntahan iyung mga tourist spot dito sa El Nido. Sayang naman kung palalampasin ko eh nandito na ako! Kaya para mapapayag ko siya na mag-stay ng ilang araw pa, kailangan ko pa siyang suhulan ng sexy time. "Sabi naman ng O

