Book 3 IT’S TIME

1717 Words

[Lance] "Sir Lance, may naghahanap po sa inyo. Importante daw po," sabi nung staff ko. Nandito ako ngayon sa resort ko sa Puerto Prinsesa, at pabalik na ng El Nido. Kasalukuyan na ikinakarga ko iyung mga mangga na bilin sa akin ni Hannah sa likod ng pick- up truck ko. Kasama ng mga sugpo na gustong-gusto niyang isinisigang. Inaasahan na nung buntis na iyun na may aalmusalin siyang mangga mamaya pagkagising niya. Napahinto ako sa ginagawa ko at saka napakunot-noo. Wala akong maalala na may kausap ako ngayong suppplier nang ganitong oras. Alas tres pa lang ng madaling araw. "Sino?" sabay lingon ko sa kinatatayuan ng staff ko. Kita ko sa likod niya ang nakatayong si Adam Zuniga na may madilim na aura. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ako tumumba dito. "Iwan mo na kami, Rema."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD