[Klarence] Napagbuntunan ko ng pansin ang ilang pirasong bulaklak na nakalagay sa flower vase sa side table. Pinitas ni Annika ang mga iyon sa mini garden kaninang umaga. Maingat kong pinalapag ang isang rose mula sa flower vase papunta sa bedside table sa pamamagitan ng isip ko. Ilang araw ko na nga bang pinag-aaralan ito? Gusto kong may magawa. Nakaka-boring na yung wala kang ginawa kung hindi magpalutang-lutang na lang. Lingid sa kaalaman ni Annika, kapag naiiwan na akong mag-isa dito sa bahay pagka-alis niya ay nag-aaral ako para mabawasan ang pagkainip ko sa paghihintay ng pagbalik niya. Pinag-aaralan ko kung paano ko mapapagalaw ang isang bagay sa pamamagitan ng isip dahil wala naman akong kakayahang humawak ng bagay. Bahagyang gumalaw si Annika kaya napatingin ako sa kanya. Wa

