"Ano’ng ginawa mo?!" "Ay, palaka!" sigaw ko sabay kapit sa step-up ladder na kinatutungtungan ko. Hinawakan ko ang tapat ng kumakabog na dibdib ko bago lumingon sa likuran. "Ano ba...bakit ka ba nanggugulat?!" asik ko sa masungit na espiritu. "Ano’ng ginawa mo dito?" tanong uli nito habang pinagmamasdan ang kabahayan. Sinundan ko ng tingin lahat ng sinuyod niya ng tingin. "Bakit? Maganda naman ah. Naging makulay itong bahay mo. Hindi katulad dati - ang dull...puro puti, black and gray lang ang kulay," sabi ko dito. Nakita ko ang pagkadisgusto sa mukha niya pero alam ko namang wala siyang magagawa. "Saan mo kinuha ang mga yan?" sabi nito sabay hagod ng tingin sa mga kurtina, throw pillow at rug carpet na bago sa paningin niya. "Binili ko," sagot ko. "Binili??" takang tanong nito sa

