"Miss, saang floor ang ICU?" tanong ni Duncan sa nurse na nasa Information. Tumingin sa amin yung nurse na naroroon. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa. Palibhasa ay hindi nito nakikita si Klarence sa tabi ko. "Sinong dadalawin?" mataray nitong tanong, na bahagya pang nakataas ang isang kilay. "Si Klarence Montenegro." Lalong tumaas ang isang kilay ni Ate Nurse. "Kamag-anak lang ang pinapayagang dumalaw. Sino ba kayo?" malamig na sabi nito. Napalingon sa akin si Duncan na tila nagpapasaklolo. Oh my gosh...hindi pwede. Isip, Annika...kailangan mong mag-isip agad... "Mam... mam.... please... girlfriend ako ni Klarence Montenegro. Kailangang-kailangan ko siyang makita," sabi ko na may kasamang pagpapa-awa. Sino bang mag-aakalang magagamit ko pala iyong pagiging writer ko

