Beep. Beep. Beep. Beep. Beep. Beep. “Klarence! Anong nangyayari, Doc?" tanong ko sa doctor na naroroon. "Humihina na ang puso niya. Any moment ay tuluyan na itong hihinto." kalmadong anunsiyo ng doktor. Hindi ako makapaniwalang ganun lang ang reaksiyon niya. Hindi ba dapat ay nagpa-panic na din ito? Hindi ba dapat ay agad siyang gagawa ng paraan para maisalba ang pasyente niya? Bakit wala siyang ginagawa? Napatingin din si Tito Hernan kay Klarence kaya mabilis akong nakawala mula sa pagkakahawak nito na lumuwag nang bahagya. Tinakbo ko ang distansiya namin ni Klarence na nakahiga sa hospital bed. Bahagya ko itong niyugyog. "Klarence...please....wag namang ganito...." sabi ko habang bahagyang niyuyugyog ang katawan niya. Hindi pwedeng walang patunguhan ang pagpunta namin dito. Hind

