Nangalahati na namin yung champagne nang magyaya itong sumayaw daw kami. "Ha? Wala namang music ah." reklamo ko. Nagdadalawang-isip kasi akong tumayo. Pakiramdam ko kasi medyo nahihilo na ko sa nainom ko. I am not really a drinker. Gusto ko lang kasing pagbigyan si Judd ngayon. Sayang yung magandang mood niya ngayon kung maisisra. Minsan lang na ganito kami na hindi nag-aaway. "That's no problem. Come on!" pangungulit nito. Nagpatianod na lang uli ako. Tumayo ako at humawak sa kamay ni Judd. Iginiya ako nito palayo sa mesa. Magkaharapan kaming nakatayo. Seryoso ang mukhang nakatingin ito sa akin. Kinuha niya yung isa pang kamay ko at saka inilagay ang dalawang kamay ko sa balikat niya. Pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabilang beywang ko

