Nasa loob ako ng isang fitting room ng sikat na mall dito sa San Pedro. Makulit si Mama Adelle na ipasukat sa akin itong damit na pinili niya para sa akin. Nagtaka ako nang bigla itong dumating sa bahay namin bago magtanghali. Samahan ko daw siyang bumili ng damit. Iyon pala naman ay para sa akin ang damit na bibilhin niya. . "Kumusta naman kayo ni Judd, iha?" Napatigil ako sa pagsubo sa tanong na iyon ni Mama Adelle. Nakatingin ako dito habang nag-iisip ng isasagot. Nang bigla kong maalala yung breakfast namin ni Judd kanina. Ngumiti ako dito. "M-Medyo... medyo okay naman na po kami." sagot ko. Sinuklian niya ako ng ngiti. "Mabuti naman." Isinubo ko na yung kutsarang nakabinbin sa ere at saka nginuya yung pagkain. "So.... magkaka-apo na ba kami?" folllow up question nito.

