A/N: Warning: mature content. Minors may skip this chapter. . Alam kong umiiyak si Clover base sa pagyugyog ng katawan niya. Nakatalikod ito sa akin sa pagkakahiga. Alam kong masama ang loob nito sa akin. Sumosobra na ba ako kay Clover? Kung bakit kasi hindi ko mapigilan ang sarili kong mainis kapag naiisip kong posibleng magka-interes sa ibang lalaki si Clover. Takot. Yun ang nararamdaman ko. Noon, ito yung gusto kong mangyari. Maging girlfriend ko si Clover. Makasal kami. Magkaroon ng mga anak. Pero naghiwalay kaming hindi nangyari yung mga gusto kong mangyari. Hindi ko alam kung anong reason niya pero isa lang ang naiwan sa isip ko. Mas pinili niya yung Raymond na yun! Nasaktan ako. Pakiramdam ko ay natapakan ang

