Nagising ako na parang minamartilyo ang ulo ko. Eto ang napala ko sa paglalasing kagabi. Unti-unti akong naupo sa kama. Paglingon ko sa bedside table ay may nakalagay na dung natatakpang pagkain, kape, gamot at tubig. Alam kong si Clover ang naghanda nito. Wala namang iba dahhil dadalawa lang kami dito sa bahay. Pero sa halip na matuwa ay nakaramdam pa ako ng pagkainis. Hmp! Suhol. Bumaba ako ng kama kahit sobrang sakit ng ulo ko. Pumunta ako sa banyo at binuksan iyon pero walang tao doon. Sinubukan kong silipin siya sa walk-in closet pero wala din siya doon. Umalis na naman ba siya para makipagkita sa lalaki niya?? Inot-inot akong bumaba ng hagdan habang hawak ko ang ulo ko. Wala siya sa sala. Pumunta ako sa kusina. Wala din. Lumabas ak

