Chapter Forty "Busy ba siya?" bored na bored na dumapa ako sa kama at pasimpleng sinilip ang phone. "Ikalma mo iyang pepe mo, ma'am. Tignan mo ito." Agad itong tumabi sa akin. "Kasama niya iyong legit. Post iyan ng isang tauhan sa capitol. Nagpa-picture siya sa dalawa." Si Governor at si Libby. Ngiting-ngiti pa ang babae habang nasa pagitan nila ang isang babaeng nagpa-picture. "Ang caption, ma'am. Ito." Agad kong binasa. "Singit muna sa date ng dalawa." Basa ko roon. "K." Mahinang ani ko. "Kaya hindi ka kinokontak ay dahil nasa legit na kanlungan si governor. Ang mga side chick ay dapat marunong maghintay na matapos ang mga lalaki nila sa legit." "Shut up." Saway ko rito. "Labas na lang tayo, ma'am. Puro ka na lang tambay rito. Nakakahalata na rin ako. Kapag tumatae si Piggy