Chapter Forty-one Inabutan ko si Akeke sa kusina. "Ang saya-saya mo naman na para kang walang relasyong tinatapakan." Pasaring ni Akeke. Napasimangot ako sa hirit nito. "Ikaw nga wala nang karibal hindi mo pa mahawakan." Ganti ko rito. Aba'y mas malabo pa ang relasyon nila ni Mario. "Sakit!" madramang ani ng babae na sinamaan pa ako nang tingin. Kumuha ako ng bottled water at akmang aalis na pero nagsalita pa itong muli. "Ngayon ko na realize, Ma'am Yunako." Napalingon ako rito dahil sa sinabi nito. "Anong na realize mo, Akeke?" inip na tanong ko dahil hindi pa rin nito dinurugtungan ang sinasabi niya. "Na nakalimutan ko ang na realize ko." Humigpit ang hawak ko sa bottled water. Buti't hindi ko naibato rito. "Sabihin ko na lang later kapag naalala ko." "Akeke, bad ang mag-take ng