Chapter Forty-two "Linisan mo na, ma'am. May bet tayo, nanalo ako. Dapat may isang salita ka." Kararating lang namin sa villa. Saktong ibinigay ni Akeke sa akin si Piggy ay nag-poop naman ang salbaheng biik. Nasa loob na si governor. Tinulungan niya ang mga staff sa gamit namin. Hindi ko alam kung bakit naka-cry ako dahil dito. Naamoy ko pa nga lang kanina ang poop ay parang sinampal na ako ng realization ko... ako ang kailangan maglinis nito. "What should I do?" ani na parang sisipunin pa dahil sa kamalasan. Sakto pa talagang inabot sa akin. Naalog siguro ang tiyan ni Piggy sa biyahe namin. "Linisan mo, ma'am. Kaya mo iyan." Tinapik pa nito ang balikat ko bago siya umalis. "Akeke!" tawag ko pero hindi na ako nito pinansin. May gripo naman sa gilid. "What are you doing?" bigla