Chapter Forty-three "Ma'am, ang cute nito." Ipinakita ni Akeke ang bracelet na gawa sa maliliit na shell. Nandito kami sa maliit na palengke at ang mga produktong pinagkakaabalahan naming tignan ay mga gawa mismo ng locals dito. "Ang cute nga." Tuwang kinuha ko iyon. Saka ko nilingon si gov na nasa likod ko. "Isukat mo, gov." Agad kong hinawakan ang kamay nito't inilusot doon ang bracelet. "Kasya. I'll buy it for you." Sinulyapan ko ang tindera. "How much ito, ate?" "Bente lang po iyan, ma'am." "Bente as in?" ani ko. "As in free po?" siniko ako ni Akeke. "Bente raw, ma'am. As in twenty. Kapag free libre. Pinagsasabi mo? Mambubudol ka pa, eh." "I don't know. Sorry." Nanulis ang ngusong ani ko. "Pwede ka tumawad, ma'am." "Tumuwad? Why?" "Tangik ka, ma'am. Tu-ma-wad. Makipag-bargai