Chapter Forty-four "Stop! Stop! Kung tatawag ka lang para awayin ako... stop." Magkausap na naman sa phone si Governor Lucca at Libby. Marahan kong hinaplos ang braso ng gobernador para kumalma ito. "Minsan lang naman kasi, Gray. Magpakita ka lang sa parents ko. Nagdududa na sila. Iniisip nila kung may problema ba tayo. Tinatanong na nila kung tayo pa ba. Gray, alam mong mahal na mahal kita. Huwag mo naman akong pahirapan ng ganito. Iniintindi ko naman ang trabaho mo... na palagi kang busy. Sana intindihim mo rin ako. Ano bang nangyayari sa atin, Gray? Mag-usap tayo... please!" sa sobrang bigat nang pag-iyak ng babae ay parang iba na ang pakiramdam ko. "Hindi ko kaya ito, Gray. Please! Puntahan mo ako! Kasi kung hindi... mas mabuti sigurong tapusin ko na ito." Nagkatinginan kami ng gober