Chapter Forty-five "Negative, ma'am. Nagtanong ako kanina hindi ako pinansin. Inutusan pa niya ako na linisin iyong tae ni Piggy." Bulong ni Akeke. Palabas na kami ng villa. Habang nagkakasiyahan pa ang mga tao sa islang ito dahil New Year, ito kami at bibiyahe na pauwi. "Hayaan mo na, Akeke. Iisipin ko na lang na pinili niya ang fiancee niya. Kalimutan na natin iyon. Magpapakabait na side chick na lang ako para hindi agad bitawan ng gobernador." "Kaya mong magpakabait, ma'am?" parang hindi pa ito kumbinsido. "Hindi." Honest lang na ani ko. "Sabi ko na nga ba... alam kong iyon ang pinakamahirap mong gawin, Ma'am Yunako." Nang lumulan kami sa helicopter ay mas pinili kong si Akeke ang katabi ko kaysa sa gobernador. Pagkarating sa hacienda ay ibinaba lang kami at umalis din agad