Chapter Sixty-eight "Ma, iyong kaklase namin tumae sa short niya." Kwento ni Grayce. Alam ko iyon. Pero sa pagkakangisi ng bata'y tiyak na may side comment pa ito. "Napakadugyot niya, mama." Sabi ko na nga ba... "Ma, hindi ba sila marunong magpupu sa toilet? Kami ni Grayce marunong." Sinulyapan ko si Lucyna na abalang nagkukulay. "Mga anak kasi mga baby pa kayo. Maliliit pa kayo. Iyong iba kaya na sa toilet, iyong iba hindi pa, at iyong iba ay hindi talaga napipigilan ang sakuna." Paliwanag ko sa kanila. "Mama, masaya sa school. Madaming kids." Sinulyapan ko si Grayce. "Happy kayo na may mga kids na katulad ninyo?" "Yes." Tugon ng mga ito. "Kung happy kayo ay happy rin si mama." "Mama, pero hindi lahat funny sa school. Iyak nang iyak iyong anak ni Aling Crispyna." "Cristin