Pagkatapos nilang kumain, nagpresinta si Zyren na siya na ang maghuhugas ng pinagkainan nila.
"George, tulungan mo na lang si Miss Rivera. Magpahinga na rin kayo agad pagkatapos,” utos ni Lorrenze saka bumalik na sa kuwarto niya.
"Okay po, Sir," tugon ni George.
"Kuya George, ako na po ang bahala rito. Kaya ko na po ito," wika ni Zyren.
"Samahan na lang kita ma'am para hindi ka ma-boring dito."
"Ikaw po ang bahala. Siya nga pala kuya, matagal ka na po ba nagtatrabaho kay sir Lorrenze?"
"Mga mahigit eleven years na ma'am. Simula noong nag-aaral pa si sir ako na ho ang driver niya."
"Wow! Ang tagal na po pala?"
"Mabait iyon ma'am, huwag ka mag-alala. Medyo masungit lang si sir tingnan pero mabait ho iyon."
"Gano’n po ba kuya George? Sabagay, hindi ka naman magtatagal sa pagiging driver ni sir kung hindi siya mabait na boss," wika ni Zyren habang napatango-tango.
Pagkatapos niya hugasan ang pinagkainan nila ay agad na niya iyon pinunasan at ibinalik sa lagayan.
"Kuya George, tapos na ako babalik na po ako sa kuwarto ko."
"Oh siya, sige, para makapag pahinga ka na —sigurado ako maaga tayo aalis bukas. Bilin kasi ni sir na alas sais daw ay gumising na ako."
"Sige po kuya, mag-a-alarm din ako ng 6 am." Pagkatapos sabihin iyon ay tinungo na ni Zyren ang kuwarto na pinagamit sa kanya.
Bago pa man narating ang kuwarto ay napahinto siya sa isang kuwarto. Bahagyang nakabukas ang pinto niyon at nakikita niyang nakasindi pa ang ilaw sa loob. Parang may kung anong hangin ang umihip at para siyang sinasabihan na silipin kung ano ang mayroon sa loob.
Dahan-dahang lumapit si Zyren sa pintuan. Pinakinggan muna niya kung may tao ba talaga sa loob.
May narinig si Zyren na tila naggigitara kaya lalo niya inilapit ang tainga sa pintuan.
Isang boses ang narinig niya na tila napakasarap pakinggan. Alam niya ang kanta na iyon. Ang kanta na kinanta ng taong nasa loob ng kuwarto ay kanta ni Miss Jolina Magdangal na ang title ay MAYBE IT'S YOU pero acoustic version ang tonong narinig niya ngayon-ngayon lang.
Napakunot ang noo ni Zyren, nagtataka siya kung may iba pa bang tao sa loob ng villa maliban sa kanilang tatlo.
Dala ng pagging curious, itinulak na Zyren ang pinto ng dahan-dahan. Doon tumambad sa kanya ang nakaupong lalaki sa sahig na may hawak na gitara.
"Sir Lorrenze?" bulong ni Zyren. Agad siya napatakip ng bibig sa pag-aakalang narinig nito ang sinabi niya.
Nang makita na tila hindi naman ito alam ang prisensya niya. Dahan-dahang tumalikod si Zyren at nag tiptoe palayo sa kuwarto na iyon.
"Ma'am Zyren, napaano ka? Bakit nagmamadali ka? Saan ka galing?" Nagtataka naman si George nang makasalubong niya sa pasilyo si Zyren. Kung kumilos ito ay parang may nakitang kung ano.
"Galing lang po ako sa labas kuya nagpahangin. Nagmadali kasi ako pumasok kasi ihing-ihi na po kasi ako," pagsisinungaling ni Zyren.
"Gano’n ho ba? Sige ma'am, papasok na rin ako sa kuwarto ko," wika ni George sabay talikod.
Tila nakahinga naman ng maluwag si Zyren. Buti na lang at hindi siya nakita ni George na sumisilip sa kuwarto ng boss nila. Baka kung ano pa ang sabihin nito sa kanya.
Agad naman tinungo ni Zyren ang inuukupa niyang kuwarto. Tinungo niya ang banyo para mag-shower muna bago matulog. Pagkatapos mag-shower, kinuha ni Zyren ang paper bag na galing kay Lorrenze. Napangiti siya nang makita na may pantulog pa palang binili si Lorrenze para sa kanya.
"Ang sweet naman niyang boyfriend pag nagkataon," bulong ni Zyren habang sinusuot ang pantulog.
Ano ka ba Zyren! Napaka ilusyunada mo talaga. Baka nakalimutan mo na pare-pareho lang ang mga lalaki! Magaling lang magpa-fall at bandang huli, iiwan ka sa ere! Saway niya sa sarili sa kanyang isipan. Ayaw na niya mangyari ulit ang nangyari sa kanya noong nag-aaral pa lang siya ng college.
Pina-inlove lang siya at iniwan at pinagmukha tanga ng lalaking akala niya ay totoo sa kanyan. Iyun pala ay pinagpustahan lang siya.
Simula noon ay ipinangako na niya sa sarili na hindi na siya magpapadala sa kunwari maalaga at matatamis na salita ng mga lalaki.
She needs to focus on her job para mapatapos niya ng pag-aaral ang kapatid. Balak din niyang mag-ipon ay magsimula ng negosyo.
Pagkatapos magbihis pinatay na niya ang ilaw at pasalampak na nahiga sa kama. Itinakip niya ang unan sa mukha para madali siya makatulog...
Kinabukasan, maagang nagising si Lorrenze. Naghilamos lang siya saglit at lumabas na ng kuwarto. Nakasuot lang siya ng short at walang pang-itaas. Balak niya na magpapawis ng maaga para magaan ang pakiramdam niya sa maghapon.
"Sir, good morning..." nakangiting bati ni George.
"Good morning din, George. Dumating na ba si Manang Salud?"
"Opo, Sir. Nasa kitchen ho siya nagluluto ho ng almusal."
"How about Miss Rivera?"
"Sir, hindi ko pa po napansin si Ma'am Zyren, eh," kakamot-kamot ng ulo na tugon ni George. Nagtataka rin siya kung bakit hindi pa lumabas ng kuwarto si Zyren. Naalala niya kagabi na sinabi nito na mag-aalarm ng alas sais.
"Ah okay. Baka napasarap ang tulog," tugon naman ni Lorrenze habang nagwa-warm up.
"Ipapakatok ko na lang kay Manang Salud mamaya, Sir."
"Hayaan mo na, tingnan natin kung anong oras ba talaga nagigising ang babae na iyon."
"Sige po, Sir."
Pagkatapos sabihin iyon ay nakita na lang ni George na tumatakbo na palayo ang boss niya. Nasanay na siya sa ganitong routine ni Lorrenze kaya hindi na siya nagtanong saan iyon pupunta...
******
"Aray...Bakit ngayon ka pa sumakit?" namimilipit sa sakit na wika ni Zyren habang nakahawak sa puson. First day ng dalaw niya kaya nararamdaman na naman niya ang pananakit ng puson. Naiinis siya sa sarili na nakalimutan niyang maglagay man lang ng pain reliever sa bag. Hindi niya tuloy alam kung ano ang gagawin ngayon sa sakit ng puson niya. Parang maghihilaway ang balakang niya sa katawan sa tuwing magkakaroon siya ng buwanang dalaw. Kanina pa siya gising pero dahil sa sakit ng puson ay hindi siya makabangon.
******
After one hour, nakabalik na ng villa si Lorrenze na puro pawis ang katawan. Dumiretso siya sa kitchen sa pag-aakalang naroon na si Zyren. Ngunit pagkapasok niya ay si Manang Salud at George lang ang nadatnan niya na nagkakape.
Kunot noo siyang napatanong, "Goerge, hanggang ngayon ba hindi pa gising si Miss Rivera?"
"Ay, Sir. Nariyan ka na pala. Hindi pa po, Sir sabi ho kasi ninyon huwag siya gisingin."