Kabanata 7

1161 Words
"Sir, saan ho kayo galing?" agad na tanong ni George kay Lorrenze nang makita itong papasok ng villa. "Galing ako ng hospital," tugon ni Lorrenze. Ramdan sa boses nito ang pagod. "Ho? Bakit sino ang naospital Sir?" nagtatakang tanong ni George. "Si Andrea, nadisgrasya," wika ni Lorrenze sabay pasalampak na naupo sa sofa. "Siya nga pala Sir, kanina pa ho ako tinatanong ni Ma'am Zyren kung anong oras daw tayo babalik ng Pampanga." "I'll talk to her later, kunin mo muna iyong malaking paper bag sa kotse," utos niya. Agad naman sumunod si George. Dumiretso naman si Lorrenze sa kuwarto niya para mag-shower at magpalit ng damit. Pagbalik naman ni Geogre sa sala nadatnan niya si Zyren na nakaupo sa sofa. Agad ito tumayo para tanungin si George. "Kuya George, wala pa ho ba si Sir? Anong oras na kasi nag-aalala na kasi ako sa kapatid ko’t wala iyon kasama sa bahay." "Ay ma'am, dumating na po si Sir Lorrenze. Baka po nasa kuwarto lang niya at nagbibihis, hintayin na lang po natin siya,” tugon ni George. Bumalik naman sa pagkakaupo si Zyren sa sofa. Nag-aalala na siya sa kapatid niya’t hindi siya sanay na iwan iyon mag-isa... ****** Pagkatapos mag-shower ni Lorrenze, agad siya nagbihis at lumabas ng kuwarto. Nadatnan din niya na nakaupo sina Zyren at George sa sofa. "Miss Rivera, I'm sorry pero bukas pa tayo makakabalik ng Pampanga. Na-cancel ang meeting kay Mr. Ong," wika ni Lorrenze sabay upo sa sofa. "Pero… Sir, ano kasi... Amm wala po kasi akong extra na damit. At nag-aalala na rin kasi ako sa kapatid ko." "George, paki bigay kay Miss Rivera ang paper bag," utos niya. Nagtatakang napatingin naman si Zyren kay George. "Ito po, Ma'am." Inabot naman ito ni George. "Ano ho ito, Sir?" kunot noong tanong ni Zyren. "Damit at mga mahalagang bagay na magagamit mo," tugon ni Lorrenze sabay tayo. "Sir, puwede po ba ako makahiram ng phone? Tatawagan ko lang ang kapatid ko. Wala na po kasi akong load." Ang totoo nagtitipid talaga si Zyren dahil na kailangan niya paabutin ang natitirang pera hanggang sa makasahod siya. "Okay..." tila walang ekspresyon na tugon ni Lorrenze. Agad nito tinungo ang kUwarto at kinuha ang cell phone niya. Pagbalik ay agad niya itong inabot kay Zyren. Kinuha naman iyon ni Zyren at agad na dinayal ang number ng kapatid. Lumayo siya kaunti para hindi marinig ang sasabihin niya. Halos nakaapat na ring muna ito bago nasagot. "Hello! Eric... Si ate ito." "Ate? Bakit ibang number ang gamit mo? Ano nangyari sa cell phone mo?" "Nakitawag lang ako sa boss ko, wala akong load," paliwanag ni Zyren. "Bakit pala hanggang ngayon wala ka pa ate?" "Ganito kasi 'yon... Na -ancel ang meeting ng boss ko kanina kaya bukas pa kami makakauwi." "Ano!? Bakit bukas pa? Baka kung ano ang gawin sa iyo diyan, ha?" "Ang oa mo naman, kahit masungit boss ko hindi naman mukhang rapist." "Basta mag-iingat ka diyan ate, ha? Huwag mo pababayaan ang sarili mo at tawagan mo agad ako kapag may problema." "Alam mo kapatid? Daig mo pa tatay kung makabilin. Pero thank you. And don't worry, kaya ko ang sarili ko. Basta ikaw diyan huwag ka na lalabas ng bahay, okay?" "Yes ate," tugon ng kapatid. "O siya, ibaba ko na at baka singilin pa ako ng masungit kong boss kapag naubos ko ‘tong load niya." Pagkatapos sabihin iyon ay agad na pinutol ni Zyren ang tawag at bumalik sa kinaroroonan ng dalawa. "Maraming salamat po, Sir," pasasalamat ni Zyren sabay abot ng cell phone kay Lorrenze. "Nag-order na pala ako ng food para sa dinner natin, Sir. Bukas pa raw kasi ng umaga makakapunta si manang Rosing," wika ni George. "Okay... Katukin mo na lang ako sa kuwarto. May tatawagan lang muna ako," wika nito sabay tayo. Pagkatapos niyon ay ininwan na ni Lorrenze ang dalawa sa sala at tinungo ang kuwarto niya. Kaagad niya tinawagan ang ina ni Andrea. "Yes, hello?" "Tita, si Lorrenze po ito. Kumusta na ho si Andrea?" "Sa awa ng Diyos, tapos na siyang operahan, Hijo. Pero ang sabi ng doctor, baka hindi pa siya magigising agad dahil sa natamo niyang mga sugat," tugon ng mama ni Andrea. "Mabuti naman ho kung gano’n. Siya nga ho pala, naibalita ko na ho kina kuya ang nangyari. Baka po tatawag na lang sila sa iyo." "Tumawag na ang kuya Daryl ninyo, nasabi ko na rin na tapos na operahan si Andrea at hihintayin na lang kung kailan siya magigising." "Okay po... Tatawag na lang po ako ulit, Tita. Mag-iingat po kayo riyan." "Salamat, Hijo." Agad na pinindot ni Lorrenze ang end button at pasalampak na naupo sa kama niya. Nag-aalala siya sa kalagayan ng half sister nila. Sana magising na ito. Katok sa pintuan ang nagpagising sa kamalayan ni Lorrenze. "Sir, kain na ho tayo," tawag ni George sa kanya. "Susunod ako George, tawagin mo na rin si Miss Rivera." "Okay po, Sir..." Napahawak muna si Lorraine sa sintido bago nagpasya na tumayo. Hindi naman siya nakakaramdam ng gutom pero gusto niya makasabay kumain si Zyren. Pagdating sa dining ay nadatnan niya na nakaupo na ang dalawa sa kanya-kanyang upuan. Agad na niya tinungo ang bakanteng upuan na nasa tabi ni Zyren. Habang si Zyren ay tahimik lang at nakikiramdam dahil medyo nahihiya pa siya na makasabay ang boss niya. Ito ang unang beses na nakasabay niya kumain ang boss ng isang kumpanya simula noong nagtrabaho siya. Bihira lang kasi sa mga boss ang pumapayag na makasabay kumain ang empleyado. Kahit may pagkamasungit itong amo niya ngayon ay may kabaitan din pa lang tinatago. Hindi pa niya sukat akalain na bilhan siya ng damit at undies. My God, paano niya nakuhang makabili ng underwear? Hindi man lang ba siya nahiya mamili ng gano’n? Sa guwapo niya, tiyak na pinagtawanan siya ng mga nakakita sa kanya. "Miss Rivera, bakit hindi ka pa kumakain? Hindi mo ba gusto ang pagkain? Sabihin mo lang para magpa-order tayo kay George ng ibang pagkain," untag ni Lorrenze nang mapansin na hindi pa ginagalaw ni Zyren ang pagkain nito. Ikinagulat naman iyon ni Zyren. "H–Hindi po, o–okay naman ang pagkain. M–May bigla lang po k–kasi ako naisip," nauutal na wika ni Zyren. Hindi niya namalayan na natulala pala siya. "Boyfriend mo ba ang naisip mo bigla?" bakas ang inis sa mukha ni Lorrenze habang sinasabi iyon. "H–Ho? H–hindi po, Sir. Wala po akong boyfriend. I mean— wala akong balak kasi mas priority ko po ang pag-aaral ng kapatid ko,” diretsong tugon ni Zyren. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni George sa dalawa. May kakaiba rin siyang nararamdam sa boss niya. Base sa kilos at obserbasyon niya, parang may gusto ang boss niya kay Zyren. "Mabuti naman kung gano’n!" tugon ni Lorrenze sabay subo ng pagkain. Napakunot noo naman si Zyren sa naging tugon ng boss niya. Ano ang ibig niya sabihin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD