Kabanata 6

1405 Words
"What!? Bakit, anong nangyari? Saang hospital?" malakas na boses ni Lorrenze habang ang attention ay sa kausap sa cell phone nito. Napakunot naman ng noo ni Zyren habang nakikinig kay Lorrenze. "Hospital? Sino ang nasa ospital?" bulong niya. Maya-maya pa ay nakita niya itong nagmamadali na lumabas. Ang weird, hindi man lang sinabi sa kanya kung may lakad sila. Agad naman siya nagmadaling sumunod. "Sir, aalis na ba tayo?" sigaw niya nang makita na pasakay na ng kotse ang boss niya. "Just stay here, may pupuntahan lang ako," agad na tugon nito. Agad naman pinaandar ni Lorrenze ang kotse at agad na minaneho palabas ng villa. Naiwan namang nagtataka si Zyren. Hindi alam kung ano ba ang nangyayari sa boss niya. "George, saan ka na?" agad na tanong ni Lorrenze nang sagutin ni George ang tawag niya. "Pabalik na diyan, Sir, nag-aabang lang ako ng masakyan," wika ni George na nasa kabilang linya. "Okay, bilisan mo at walang kasama si Miss Rivera sa villa. Lumabas ako at dala ko ang sasakyan." "Saan ka pupunta, Sir? Hintayin mo na lang ako para may kasama ka." "Huwag na George, kaya ko na ito. Basta bilisan mo na diyan." "Mag-ingat ka ho Sir." "Okay, salamat." agad na pinatay ni Lorrenze ang cell phone at itunuon ang attention sa pagmamaneho. Halos dalawang oras din bago narating ni Lorrenze ang Bataan Doctors Hospital. Agad niya ipinarada sa parking lot ang sasakyan at nagmadaling pumasok sa loob ng ospital. "Miss, may dinala ba rito na pasyenteng nagngangalang Andrea Fernandez?" tanong ni Lorrenze sa nurse na naka-duty sa front desk. "Sandali lang ho, Sir, check ko lang po," tugon ng nurse at agad na tiningnan sa record ang pangalan na sinasabi ni Lorrenze. "Yes Sir, nasa operating room pa po siya," tugon ng nurse. "Saan ang operating room ninyo?" tanong niya. "Diresto ka lang diyan Sir tapos kaliwa po," tugon nito habang ang isang kamay ay nakaturo sa direction ng operating room. "Okay, salamat." agad na tinungo ni Lorrenze ang operating room. Malayo pa lang ay natatanaw na niya ang Ina at ang step father ni Adrea na nakaupo sa upuan sa labas ng operating room. "Tita, kamusta si Andrea? Okay lang ba siya?" agad na tanong ni Lorrenze. "H–Hindi pa namin alam, Hijo—kanina pa siya sa loob at hindi pa lumalabas ang doctor na nag-opera sa kanya." umiiyak na tugon ng Ina ni Andrea. "Ano ho ba ang nangyari?" nag-aalalang tanong ni Lorrenze. "Hindi ko alam ang totoong dahilan. Tinawagan na lang kami ng best friend ni Andrea na nadisgrasya siya at nasa hospital daw siya at nag-aagaw buhay," tugon ng ginang. "Sino ang kasama niya?" tanong ni Lorrenze. "Si Raymond, ang boyfriend niya at sa kasamaang palad ay wala na itong buhay pagdating sa hospital dahil si Raymond daw ang pinakanapuruhan." Napasabunot na lang si Lorrenze sa sariling buhok. Si Andrea ay kapatid nila sa ama. Nalaman lang nila ito noong nag-aagaw buhay ang daddy nila sa hospital. Ipinagtapat sa kanila na may anak ito sa labas at si Andrea nga iyon. Hindi naman sila nagalit o nagtanim ng sama ng loob sa ama dahil doon. Buong puso pa nga nilang tinanggap ang kapatid nila sa ama. Wala na rin naman sila magagawa. At isa pa ay kapatid pa rin naman nila si Andrea. Iisang dugo lang ang nananalaytay sa mga ugat nila. "Tatawagan ko lang ho sila kuya," paalam ni Lorrenze. Tumango lang ang ginang bilang pagsang-ayon. Agad naman kinuha ni Lorrenze ang cell phone at tinawagan ang kuya Daryl niya. "Hello?" tugon ng nasa kabilang linya. "Kuya may ibabalita ako sa inyo at huwag kayong mabibigla." "Ano iyon?" tugon ng kuya niya. "S–Si...Si Andrea, nadisgrasya at nag-aagaw buhay. Dito kami ngayon sa Bataan Doctors Hospital." "Ano!? Bakit, nagmaneho ba siyang lasing?" gulat na tanong ni Daryl. "Wala akong maisasagot sa iyo sa ngayon. Kahit kasi sina tita hindi alam ang dahilan at kung ano ang nangyari." "Alam na ba ito ni Nathaniel?" tanong ng kuya niya. "Hindi pa. Ikaw na ang magsabi, ikaw pa lang ang natatawagan ko. I have to go. Kailangan ko muna pumunta ng police station at alamin kung ano talaga ang nangyari." "Okay, balitaan mo na lang ako." "Okay, bye!" agad na pinutol ni Lorrenze ang tawag at bumalik sa kinaroroonan ng ina at step father ni Andrea. "Tita, aalis ho muna ako, pupunta lang ako sa police station." "Sige, mag-iingat ka at pasensya ka na kung ikaw ang tinawagan ko," wika ng ginang. "Wala ho iyon, kapatid ko ho si Andrea at dapat lang na kami ang una ninyong tawagan. Aalis na ho muna ako, Tita," agad na paalam ni Lorrenze. "Mag-iingat ka, Hijo." "Tawagan ho ninyo ako agad kung ano ang result ng operation ni Andrea." Tumango lang ito, bakas sa mukha ng ginang ang matinding pag-aalala sa anak. Pagkalabas ng hospital ay agad na tinungo ni Lorrenze ang parking lot para kunin ang sasakyan. Pupunta siya ng police station para alamin ang tunay na nangyari. "Sir, itatanong ko lang ho ang tungkol sa naganap na aksidente kanina," tanong ni Lorrenze na nakaduty na police sa police station. "Aksidente sa Roman Highway ba ang tinutukoy mo?" tanong ng police. "Hindi ako sigurado kung anong ang exact location ng pinangyarihan ng aksidente, Sir. May iba pa ho bang na aksidente bukod sa Roman Highway?" tanong ni Lorrenze. "Dalawang road accident ang natanggap naming report ngayong araw, Sir. Ang isa ay sa harap ng Balanga Church na kinakasangkutan ng isang jeep at isang tryccle at ang isa naman ay sa Roman Highway na kinakasangkutan ng isang truck at ng isang kotse." “’Yong aksidente sa Roman Highway ang gusto ko malaman, Sir," ani Lorrenze. "Ayun sa nakuha naming report, mabilis ang patakbo ng nagmamaneho ng kotse. Nag-over take ito sa isang truck at sa kasamaang palad ay may nakasalubong itong malaking truck na mabilis rin ang takbo at hindi na nakapagpreno ang dalawang sasakyan at agad na nagsalpukan. Ayun din sa report ng traffic inforcer, malayo pa sa Roman Highway ay mabilis na ang takbo ng kotse dahilan para sundan niya ito. Ilang beses niya tinangkang pahintuin ang nagmamaneho ng kotse ngunit tila walang naririnig ang babae. Nagtatalo rin daw ang dalawang sakay ng sasakyan. At galit na galit ang nagmamaneho na babae." "My God!" napahilamos sa mukha gamit ang dalawang palad si Lorrenze nang marinig iyon. Agad naman siya nagpaalam at nagdesisyong bumalik na sa villa. Buti na lang at na-re-schedule kinabukas ang meeting nila ni Mr. Ong. Habang nagmamaneho, bigla sumagi sa isipan niya si Zyren, tiyak na wala itong dalang damit at wala itong pamalit dahil ang alam ng dalaga ay uuwi din sila agad pagkatapos ng meeting with Mr. Ong. Dumaan muna siya na mall para bilhan ng mahalagang gamit ang dalaga. Agad siya dumiretso sa store ng mga damit pambabae. Pagkatapos makapili ay agad na niya iyon dinala sa counter para bayaran. "Four thousand three hundred five, Sir," wika ng cashier. Agad naman ibigigay ni Lorrenze ang credit card niya sa cashier. Nang akmang isu-swipe na ng cashier ang credit card ay agad itong pinigilan ni Lorrenze. "Miss, wait!" Nagtataka naman na napahinto ang cashier at napatanong, "may problema ho ba, Sir?" "Miss, ano kasi...Shit paano ko ba sasabihin. Ahmm, saan banda ang mga underwear ninyo, Miss?" mahina at nahihiyang bulong ni Lorrenze. Napakunot naman ang noo ng cashier nang marinig iyon. Pinipigilan din nito na matawa sa narinig. "No! No, Miss, mali ka ng iniisip. Hindi ako ano... For my wife iyon. Nabasa kasi ang damit niya at wala kaming kadala-dala kaya kailangan ko siya bilhan," mahabang paliwang ni Lorrenze, hiyang-hiya siya habang sinasabi iyon. Napangiti naman ang cashier, agad nito tinawag ang kasama at sinabihan na i-assist ang customer. "Pogi, sumunod ka na sa akin sasamahan kita." malambing na tono ng sales lady. Kahit na naiinis sa naging tono ng sales lady ay sumunod na rin si Lorrenze. Agad siya kumuha ng ilang pares na underwear para kay Zyren. Bahala na ito mamili kung alin ang magugustuhan at magkakasya. Matapos makapamili ay agad na siya bumalik ng counter para bayaran iyon. Habang naglalakad, halos hindi siya makatingin ng diretso sa mga taong nagbubulungan habang nakatingin sa kanya. Paanong hindi siya tingnan e ang isang guwapo at matipunong lalaki na kagaya niya ay may bitbit na underwear ng babae. Kung hindi lang talaga para kay Zyren ay hinding hindi niya gagawin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD