Sa pangalawang pagkakataon, nagising na naman si Zyren na masakit ang katawan. Sa pagmulat niya ng kanyang mga mata at nasa isang malawak na kama siya. Nakita niya ang tantra chair kaya alam niyang nasa kuwarto siya ng opisina ni Lorrenze. Nakatulog na naman pala ako sa sobrang pagod? Grabi naman, walang humpay na bardagulan. Kung bakit kasi pumasok pa ako, sana nakapagpahinga ako ng mahaba sa bahay niya. Natawa tuloy siya sa naisip. Dahan-dahan siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Suot-suot na naman niya ang t-shirt ni Lorrenze. Every time na lang nagigising siya, damit nito ang suot niya. Pero nagustuhan naman niya dahil napaka kumportable. Nag-inat-inat siya para naman kahit papaano maibsan ang pananakit ng kanyang katawan. This time, ayaw na muna rin niyang bumangon dahi