LOVE CONFESSION CHAPTER 11 MAAGANG binulabog nina Dana at Shaina si Celine kinabukasan. Sabado kasi kaya day off ng mga ito. Pupungas- pungas pa si Celine nang mapagbuksan niya ang dalawa. Animo sinusundot naman ang mga puwet ng dalawa dahil sa kung anong kilig ang bumabalot sa kanilang kalooban. Napakunot- noo tuloy si Celine habang pinagmamasdan niya sina Dana at Shaina. Napakaluwang ang ngiti ng mga ito at tila tirik na araw kinang ng kanilang mga mata. Marahang umupo si Celine habang hindi niya inihihiwalay ang kanyang paningin sa dalawang lukaret sa kanyang harapan. "Para kayong nakakain ng pagkaing galing sa alay ah? Ano bang atin?" maya- maya'y tanong ni Celine. Tumikhim si Dana saka ito tumingin kay Shaina. "Guess it?" kinikilig na sagot nito. Lalong napakunot- noo si Celine.