MST C-9

1354 Words
Si Cayden? Lokong 'yon, hanggang dito ba naman sinunsundan ako? Lumapit ako sa pinto at sinilip sa maliit na butas kung sino ang kumakatok. Nang makita ko ang taong nasa labas ay tila babaliktad ang sikmura ko dahil sa biglang kaba. "Kuya?! Anong ginagawa niya rito?" bulong ko. Hinawakan ko ang door knob hindi dahil bubuksan ko iyon kundi pigilan siya sa pagpihit. Naka-lock naman ito pero hindi ako pwedeng magpaka-kampante. Muli ko siyang sinilip sa butas, hindi pa rin siya umaalis. Mukang walang balak ang kapatid kong ito na umalis. Napatitig siya sa butas kaya naman bigla akong napasandal sa may pinto. "s**t! Ano bang ginagawa niya rito? Paano niya nalaman na nandito ako?" Napabuga ako ng hangin sa dismaya. Ngayon ko lang naisip na sa yaman niya kaya niyang gawin ang gusto niya. Napakamot na lang ako sa leeg. "Zoo, open this door. Alam kong nandito ka," wika niya. May maliit na speaking device ang pinto sa labas kaya naman rinig ko siya na nasa labas ng pinto. Hindi, hindi ko ito bubuksan, ika ko sa isip. Ilang sandali pa ay nag-door bell na siya. Isang beses, ngunit hindi ko pa rin binuksan ang pinto. Mayamaya pa ay muli siyang nagsalita. "Gusto mo bang sirain ko itong pinto?" mayamaya ay sabi niya. Muli ko siyang sinilip sa may butas. Nakita ko ang matalim niyang mata, dismayado at napahawak sa kanyang batok. "Open this door." May diin na ang tono niya kaya naman napilitan na kong buksan ang pinto. "What are you doing here?" tanong ko pagkabukas. "Kuya." Tinulak niya ng bahagya ang pinto at dumaan sa gilid ko. Nasagi niya pa ang balikat ko, halatang inis siya dahil hindi ko pinagbuksan agad. "Go home now," aniya at lumakad patunong kusina, pagkatapos ay lumakad naman siya patungong balcony. Maliit lang ang balcony, may single chair na dalawa at may maliit na mesa. Sa gilid naman ay may mga artificial plants na naka disenyo. "I can't. Alam mo naman, I'm still in the service," sagot ko. Sinarado ko na ang pinto. Pumunta ako sa dining area at kumuha ng isang pitsel ng tubig mula sa fridge. Kumuha din ako ng baso. Tinungo ko aking kapatid na nakatayo sa may balkonahe. Inilapag ko sa mesa ang pitsel at ang baso pagkatapos ay sinalinan ko siya ng maiinom. Umupo siya sa silya. Kinuha niya ang baso saka ininom. "The last time you visit home ang sabi mo magre-resign kana. But why it took so long?" Kinuha ko ang silya sa tabi niya, puwesto ako ng upo sa kabilang side ng mesa. "Hindi pa pwede, may kailangan pa akong gawin," maingat kong sagot. "Mom is waiting on you to come home," ika niyang may accent. Napaismid ako saka ngumiti. "And Dad, he's asking about you," ika niya ulit. Bahagya akong tumawa bagay na ikinakunot niya ng ulo. "I'm sorry, parehas talaga kayo ni Dad magsalita. Lalo sa accent, kuhang-kuha mo talaga," sagot ko saka tumigil sa pagtawa. Umiling siya. Kinuha niya ulit ang baso at ininom ang tubig hanggang sa maubos. Lumipas ang ilang minuto ay nabalot na kami ng katahimikan. Tanging ang simoy ng hangin ang maririnig ng mga oras na iyon. "You should visit Mom and Dad, nami-miss ka na nila," mayamaya ay sabi niya. "I will," sagot ko. "You can go home anytime you want. Bakit kasi naisip mong mag-stay dito?" Huminga na lang ako ng malalim at pabulong na nagsalita. "Kung pwede ko lang sabihin, hay," "Then tell it. Makikinig ako." Napabaling agad ako sa aking kapatid. Kita ko sa kanyang mukha ang kuryosidad. Nag-aalinlangan ako kaya naman binaling ko na lang ang tingin sa langit. "Zoo, mas okay nang alam ko ang ginagawa mo. Who knows baka isang araw kailanganin mo ang tulong ko," aniyang may ibig sabihin. Muli kong nilingon si Kuya. Sa mukha naman niya muka siyang mapagkakatiwalaan. Umiling ako sandali at alangan na ngumiti. "Sasabihin ko pero ipangako mong wala kang pagsasabihan?" paniniguro ko. Tanging pagsandal sa upuan ang kanyang ginawa. Diniretso niya ang tingin sa langit. "Tsk, hindi ako tsismoso," aniyang pabiro at ngumiti. Huminga ako ng malalim. "May misyon ako." Kahit hindi ko nilingon ang aking kapatid ay nasilip ko sa gilid ng aking mata na saglit siyang tumingin sa akin. Wala akong narinig na salita sa kanya marahil ay gusto niya pang magkwento ako. "Delikado ang misyon na ito dahil high-profile criminal ang kailangan kong mahuli. I need evidence para tuluyan na siyang makulong." "Who?" Umiling ako. "Hindi ko pwedeng sabihin, wala pa akong sapat na ebidensya na magdidiin sa kanya." Narinig ko ang paghinga ni kuya ng malalim. I know na nag-aalala siya. Ngumiti na lang ako at inibot ang kanyang tuhod saka tinapik iyon. "'Wag kang mag-alala, magagawa ko ang misyon na ito. Ito na ang huli, pagkatapos nito ay pwede na akong umalis sa serbisyo," paliwanag ko. Ngumiti siya sandali pero halata pa rin ang pag-aalala niya. "If you need help tumawag ka lang. Okay?" Hindi ko maikubli ang aking ngiti. Kahit napaka-seryoso ng kanyang mukha ay hindi pa rin maitatanggi na malambot ang puso niya. Muka lang siyang suplado pero ang totoo siya lagi ang sandigan ko pag may problema ako. Kahit kambal sila ni Kuya Zack ay hindi maikukubli ang pagkakaiba nila sa isa't isa, Si Kuya Zack na palabiro at maloko na puro babae ang inaatupag. Siya naman ay seryoso at family oriented. Napapaisip tuloy ako kung naranasan na niyang ma-inlove. Marahil hindi pa, sa pagkakaalam ko wala pa naman siyang pinakikilalang babae sa amin. "Anong iniisip mo?" tanong niya nang mapansin na nakatitig ako sa kanya. "Kuya, may nililigawan kaba ngayon?" diretsahang tanong ko. Umiling siya. "Wala pa sa isip ko 'yan. Importante ang kompanya." "What? Are you serious? Hoy, mawawala kana sa kalendaryo," biro ko. "It doesn't matter." Tumayo siya at lumakad na patungong pinto. "Bumisita ka sa bahay, matutuwa ang parents natin pag nandoon ka." Lumingon siya sa akin pagkatapos ay hinawakan na niya ang doorknob upang pihitin. "Bye, drive home safely," bilin ko. "Keep safe. Pag nalaman kong may nangyari sayong hindi maganda. I force you to leave your job." "Kuya naman, parang sira. Propesyon ko 'to, kasama na sa trabaho namin ang panganib," pagdadahilan ko. "Just keep yourself safe. You're the only daughter of the family. Ayaw kong mag-alala si Mom at Dad." Tumango na lang ako. Siya naman ay hinaplos ang ulo ko pagkatapos ay tumapik sa aking balikat. "Bye," aniya. "Teka, hindi kaba muna kakain?" pahabol kong tanong ngunit tuluyan na siyang nakalabas sa pinto. "Sa bahay na lang, masarap magluto si Lola Lydia," ika niya na tila nang-iinggit. Napatawa ako sandali ay nagpameywang. "Kayo na may masarap na hapunan," tukso ko. Lumakad na ang aking kapatid sa hallway patungong elevator, sinundan ko na lamang siya ng tingin. Hindi pa nakakalayo ang aking kapatid ay may lalaki namang lumabas sa pinto ng isang unit na di kalayuan sa akin. Kumunot ang noo ko ng makita ang lalaki akmang titingin sa akin ay mabilis akong pumasok at kaagad na sinara ang pinto. "Anak ng! Si Cayden ba 'yon? Mukang magka-floor pa kami ng unit." Napaismid ako at lumapit sa sofa saka umupo. Kinuha ko ang cellphone at di-nial ang numero ng aking pinsan. Kaagad naman nitong sinagot ang tawag. "Zoo, kamusta?" bungad agad nito sa kabilang linya. "Eto, na-hot seat." "Why?" "Nandito si Kuya Zion kanina, buti umalis na," sagot ko. "The f**k! Paano niya nalaman na nandyan ka?" "Parang hindi mo kilala si Kuya Zion, pag ginusto niya magagawa niya. Sigurado nag-hire 'yon ng private investigator para malaman kung nasaan ako." Narinig ko ang tawa ng aking pinsan sa kabilang linya. "Nag-aalala lang 'yon sayo. Teka, umuuwi kaba sa inyo?" "Oo," kaagad kong sagot. "Kelan?" "Kelan ba 'yon?" ika kong napaisip. "See, pati ikaw di mo maalala," aniya at tumawa. "Tsk, anyway. Yung about sa requirement I need it tomorrow. Is it possible?" "Yeah, I'll call you once ready na," aniya. Ilang sandali pa ay narinig ko ang boses ng kanyang asawa na tinawag na siya. "I'll wait your call tomorrow. Thanks, Mel." "Your welcome, basta ikaw. Bye," sagot niya. "Bye," sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD