MST C-8

1126 Words
Pinindot ko ang remote control upang i-off ang flat screen TV. Pagkatapos ay kinuha ko sa mesa ang cellphone at tinawagan ang aking tauhan na si Yuki. "Boss," bungad agad nito sa kabilang linya. "What do you think on her?" tanong ko. "Boss, maganda naman po ang credentials niya. Pero--" ani nitong hindi tinapos ang sasabihin. Napailing ako, tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumapit sa malaking bintana. May mga ibon na dumadapo doon, hindi naman nagtatagal ang mga ito dahil konting galaw ko lang ay nag-aalisan na ang mga ito. Pasado alas nuebe palang ng umaga kaya hindi pa mainit ang sinag ng araw. "I know," huminga ako ng malalim hindi ko alam kung tatawa ba ako or maiinis. Nasanay kasi ang mga tauhan ko sa maganda at seksing sekretarya. "I think mas okay siya, hindi ako madi-distract sa opisina. You know how much stress girls gave to me." Narinig ko ang mahina niyang hagikgik. "Boss, I'm sorry. Naninibago lang kasi ako." "Anyway, may balita na ba sa pinapahanap ko?" tanong ko. Lumapit ako sa desk at napatingin sa hair tie nakalapag doon. May isang hibla pa ng buhok na naiwan ang babaeng ito. Napailing na lang ako at muling umupo sa swivel chair. Ilang segundo din na hindi nakasagot ang aking tauhan. Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. "Boss wala pa kaming lead sa pinapahanap mo, we're trying our best para mahanap siya." Kinuyom ko ang aking palad at binagsak sa mesa. "Hanapin niyo siya! Ako mismo ang papatay sa kanya!" diin kong sambit. "O-opo, Boss," tipid na sagot ng aking tauhan at kaagad kong pinutol ang tawag. Napahilamos ako ng mukha at hinilot ang aking sintido. _______________ Napailing ako habang nakatingin sa cellphone. Ilang sandali pa ay tumapik sa balikat ko si Gideon. "Galit na naman si Boss?" tanong nito at umupo sa mahabang sofa, kinuha ang mug sa lamesitang kaharap upang inumin ang coffee. Pagkatapos ay kinuha ang dyaryo at hinawi ang i-ilang pirasong pahina. "Ano paba? Dahil don sa babaeng muntik nang pumatay sa kanya," sagot ko at umupo sa solong upuan na kaharap ng mahabang sofa. "Mahahanap din natin 'yon," kampanteng sagot niya. Ilang sandali pa ay bigla niyang binato sa akin ang dyaryo at matalim akong tinignan. "Gid, what!? Anong problema mo?" asik ko. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na 'wag kang sasabat pag may ini-interview ako!" Tumawa ako at umiling. Tinignan ko ang monitor, kanina ko pa tinitignan ang itsura ng babaeng kaka-hired lamang. Napaka simple ng mukha niya, walang dating at sa pananamit ay halatang conservative. "Ano kayang iniisip ni Boss kanina habang ini-interview ang babaeng ito? What's her name again?" tanong ko. "Miss Sanchez, Dahlia Sanchez," sagot ni Gideon. Bahagya akong tumawa. "Sa pangalan pa lang niya halatang conservative siya. Well new type of girl." Napailing na lang si Gideon at kinuha ang cellphone na nasa kanyang bulsa. "Mas okay na siya compare sa mga naunang aplikante. Muka naman siyang masipag at masunurin." "Masunurin? Bakit Gid? May ipapagawa kaba sa kanya? Dude, wag mo na ulit gagawin yung ginawa mo sa dating naging secretary ni Boss." "f**k you!" asik niya na sinabayan niya ng matalim na titig sa akin. Tumigil ako sa pagsasalita at gumanti rin ng masamang tingin sa kanya. Mayamaya pa ay maloko siyang ngumiti. "She want me to f**k her. Anong magagawa ko kung siya na mismo ang lumapit," biro niya. "Halata namang type ka non. Kaya pala laging nag-o-overtime may balak pala sayo," pabiro kong sabi habang nakangiti. "Wait, bakit nga pala nag-resign 'yon?" usisa ko. "I told her na umalis." "What? You told her?" pagtataka ko. "I gave her a money para umalis. Kung hindi siya aalis papatayin ko siya. You know, iba mag-isip ang mga babae. Mas mabuting takutin mo na sila sa umpisa para hindi na bumalik," sagot niya at muling tinuon ang tingin sa cellphone na kanyang hawak. "How much you gave her?" "Half a million." "Wow, she won a lottery," ani ko. "Hindi na rin siya lugi, I satisfied her and gave her a bonus," Gideon said. May di-nial siya at kinausap sa cellphone. "Did you find her?" aniya sa kabilang linya. Hindi ko na siya kinausap sa halip ay tinignan ko ulit ang resume ng babaeng nasa monitor. "Tsk, she's not attractive. Muka siyang manang," ani ko at bahagyang humagikgik. ____________________ Pagdating namin sa basement ng apartment na aking tinutuluyan ay nagmadali akong kunin ang aking gamit at lumabas ng sasakyan. Habang naglalakad ay napansin ko sa aking likuran na nakasunod sa akin si Cyaden. Huminto ako at bumaling sa kanya. "Sinusundan mo ba ako? Malinaw naman ang sinabi ko kanina diba? Bukas na tayo mag-usap." Tahimik lang siya at nilahad ang kanyang kamay na tila wala siyang gustong sabihin. Inirapan ko siya at patuloy na naglakad patungong elevator. May iilang tenant na akong nakakasabay sa paglalakad akala ko hindi na nakasunod sa akin si Cayden ngunit ng lumingon ako sa aking likuran ay nakasunod pa rin siya. Sa inis ko ay lumapit ako sa kanya at bumulong. "Bukas na tayo mag-usap, hindi kaba nakakaintindi?" ani kong pinanlalakihan siya ng mata. "I know, uuwi na rin ako," aniya. "Go, umuwi kana." Iniwas niya sandali ang tingin sa akin at mayamaya lamang ay alangan na ngumiti. "Umuwi kana sabi," ani kong may diin. Konti na lang talaga at masasapak ko na ang lalaking 'to. "Dito rin ako nakatira." Napaismid ako at mapait na ngumiti. "Anak ng! Dito? Kelan pa?" Lumakad siya gilid ko at binalewala ang aking tanong. Sinundan ko siya ng tingin na papasok na sa elevator. Siya lang ang tao sa loob kaya naman hinantay ko na lang na sumara iyon. "Hindi kaba sasabay?" tanong niya habang nakapindot sa buton. "Mauna kana," sagot ko at iniwas ang tingin sa kanya. "Tsk, sungit," bulong niya at awtomatikong sumara ang elevator. "Aba! Lokong 'to, gusto yata ng away--" nahinto ako sa pagsasalita ng mapansin ang isang matandang babae na sasakay din ng elevator. Ilang minuto din ang lumipas ng muling bumukas ang elevator. Sumakay agad ako at pinindot ang palapag kung nasaan ang unit ko. Pagdating sa palapag ay mabilis kong tinungo ang pinto, binuksan at ni-lock. Tinawagan ko agad ang aking pinsan. "What happen?" bungad agad nito sa kabilang linya. "Start na ko next week." "Wow, congrats," sagot agad nito. "Thank you for helping me. Anyway, I need your help again." "Bakit?" she asked. "I need to comply all the requirements this week, kaya ba ito ng isang araw lang?" "Oo naman, just give me all the details." "Thanks, Mel. I'll call you again." Pinutol ko agad ang tawag ng may narinig akong kumatok sa may pinto. Sino kaya ito? Wala naman akong pinagbigyan ng address ko, even si Mel don't know this apartment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD