Pasimple kong inilibot ang aking tingin sa loob nitong kwarto. Kunwari ay titingin ako sa taas upang tignan ang ilaw at pagkatapos ay titingin sa aking sapatos. Ngayon ko lang napansin na tila salamin din itong sahig.
Fuck! Bakit parang salamin itong sahig?! Namboboso ba ang mga ito ng mga aplikante? Ito agad ang una kong naisip. Bakit? Anong dahilan?
Napatingin agad ako sa pinto dahil bigla kong naisip na baka may scanning device ito. Pucha! Sana hindi nila makita ang hearing device na nasa bag ko! At itong ballpen hindi ito ballpen lang, isa itong spy camera!
Malamig ang paligid ngunit nag-uumpisa nang mamuo ang pawis sa noo ko dahil sa kaba.
"Miss Sanchez."
Natigil ako sa pag-iisip at agad na lumingon sa salamin na nasa harap ko. Napalunok ako at pati yata leeg ko ay pinagpawisan.
"Miss Sanchez or Miss Dahlia? What do you want me to call you?"
Hindi ko alam kung sa salamin ba ako titingin o sa speaker na nasa taas. Wala sa sariling napatango ako. "Da-Dahlia, you can call me Dahlia," sagot ko. Huminga ako ng malalim at napababa ng tingin sa aking itim na sapatos.
Kung mahuhuli nila ako wala akong magagawa kundi ang lumaban. Muli akong tumingin sa salamin at ngumiti. Kabado man ngunit mas na-eexcite ako sa susunod na mangyayari.
"Nice name," wika ulit ng boses na nasa speaker. "Good thing na single ka--"
"Dude, what are you doing?!---"
Kumunot ang noo ko dahil may ibang boses ang sumabat. Sandali pa ay tila may bulungan akong narinig ngunit mabilis din na nawala. Ilang segundo din ang lumipas ay may nagsalita ulit sa speaker.
"Miss Sanchez, you're hired. I hope you can start as soon as possible. Thank you for this interview. See you soon."
"Thank you," matipid kong sagot saka ngumiti. Akala ko ay muli itong pagsasalita ngunit hindi na ito nagsalita.
Bumukas ang pinto at bumungad na doon si Miss Janice. "Follow me Miss Sanchez," ika nito.
Sumunod agad ako at lumabas ng pinto. Paglabas ko ay sumara din agad ang pinto. Pasimple kong nilingon ang pinto habang nakasunod kay Miss Janice. I think may nagko-control ng pintong iyon.
"Miss Sanchez, congratulations. I hope wala tayong magiging problema sa pagta-trabaho mo rito," aniya at huminto sa glass door saka pinihit ang door knob.
"Masipag po ako, wala po kayong magiging problema sa akin," sagot ko habang nakasunod. Pagkapasok ay sumenyas siya na umupo muna ako sa mahabang sofa. Nakatapat ito sa working desk kung saan siya umupo.
"This is the employees manual, nandyan lahat ng rules and regulations ng company." Hinawakan niya ang manipis na libro saka lumapit sa akin at iniabot. "This is your copy, nandyan na rin ang mga requirements na kailangan mong ibigay sa akin."
Binuklat ko ang manual at binasa ang mga requirements.
"We need you next week, make sure na ma-complete mo 'yan till friday."
"Ma'am?" Napalingon agad ako kay Miss Janice. I only have one day? To comply this? Muntik ko nang iboses buti na lang napigilan ko agad ang bibig ko.
"Our boss will be here next week," tipid niyang sagot.
Sa mukha palang niya ay halatang may pagka-istrikto ang boss na tinutukoy niya kaya siguro ganito siya , istrikta at napaka seryoso.
"Understood, Ma'am," sagot ko at ngumiti.
Ngumiti siya sandali at naupo sa kanyang swivel chair. Nagumpisa na siyang magpaliwanag ng mga regulasyon ng kompanya. Habang nakikinig ay palihim kong inobserbahan ang kanyang opisina. May CCTV camera na nalagay sa taas sa apat na sulok nitong opisina. May malaking Flat screen TV na naka malapit sa working desk niya. Napakunot ako ng noo ng mapansin ang isang speaker na nasa gilid ng working desk ni Miss Janice. Katulad ito ng speaker na nasa kwarto kanina kung saan ako in-interview.
"And about pala sa salary mo, magkano ba ang expected mo?"
Hindi ko na namalayan na tapos na siyang magpaliwanag. Wala akong masyadong naintindihan sa mga sinabi niya kaya ngumiti na lang ako at sumagot. "Thirty five thousand po."
"No problem," aniya.
Bonus na lang itong sahod dahil hindi naman trabaho ang pakay ko rito, ika ko sa isip.
"Thank you, Ma'am."
"I think that's it for now, if you have question tumawag ka lang. Congratulations and welcome to the company," wika niya. Tumayo siya at lumapit sa akin pagkatapos ay nakipag-shakehands.
Tumayo na rin ako at nakipag-shakehands. "Thank you."
"I think you're a hardworking person," aniya.
"Paano niyo po nasabi?"
"Your hands, magaspang kasi."
Gusto ko sanang tumawa pero dinaan ko na lang sa ngiti. Armas kasi ang lagi kong hawak kaya makapal ang kalyo ko sa kamay.
"Yes, I'm a hardworking person po," sagot ko.
"See you again Miss Sanchez," aniya.
"Thank you, Ma'am. Bye po," Lumapit na ako sa pinto at lumabas, bago ko tuluyang maisara ay pinigilan pa ito ni Miss Janice.
"Alam mo na kung nasaan ang elevator?"
"Yes, Ma'am," ani kong nakangiti.
Tumango na lang ito at isinara na ang pinto. Mabilis kong tinungo ang elevator at pinindot papuntang ground floor hangaang sa tuluyan na akong nakalabas sa building.
Halos fifteen minutes din ang nilakad ko patungo sa sasakyan kung nasaan ang kasama ko, si Cayden. Pagpasok ko ng sasakyan ay sinandal ko ang aking likod sa upuan, huminga ng malalim at sandaling pinikit ang aking mata.
"Lieutenant, what happen?" tanong niya.
Kahit hindi ko buksan ang aking mata ay nararamdaman kong nakatitig siya sa akin. Nasa driver seat siya at nang biglang ko siyang lingunin ay napaiwas agad ang tingin niya at binaling sa kalsada.
"Mahigpit ang security nila, I'm not sure baka na-scan nila itong hearing device at itong ballpen na spy camera."
"I don't think so, kung nalaman nila. I'm sure hindi kana nila palalabasin."
Umiling na lang ako. Kinuha ang bottled water na nasa tabi ko binuksan at ininom. "Umalis na tayo," wika ko.
Pinaandar niya agad ang sasakyan at tahimik na nag-drive. "Natanggap ka?" mayamaya ay tanong niya.
"Yes," tipid kong sagot. Tinanggal ko sa pagkakabuton ang butones ng aking blouse sa may parteng leeg. Napansin ko na tila dumidikit ang aming sasakyan sa truck na kasabayan namin. "Watch out!" sigaw ko at bigla namang iniwas iyon ni Cayden.
"I'm sorry,' aniya at nakita ko ang pagsilip niya sa akin sa front view mirror ng sasakyan.
"Anak ng! Ikaw pa yata ang papatay sa akin!" inis kong sambit saka siya inirapan. Kinuha ko ang hair tie sa bag at itinali ang aking buhok. "Sa susunod ibangga mo na, 'yung dalawa tayong mamamatay, okay?"
Hindi na siya kumibo, kahit hindi ko makita ang buo niyang mukha ay napansin ko na tila ngingiti pa siya.
"Tsk, gusto yata niyang mamamatay," bulong ko saka umiling.