MST C-6

1276 Words
Patingala kong tinignan ang mataas na building na nasa harap ko. Pinagmasdan ko din ang mga taong pumapasok at lumabas mula sa building na ito. Inayos ko ang aking reading glass at pagkatapos ay kinuha ko sa envelope na bibit ko ang ballpen. Ikinawit ko ito sa bulsahan ng aking blouse. Hahakbang na sana ako nang marinig ko naman sa likod ng aking tenga ang device na nakadikit. "Lieutenant, is there a problem?" Napapikit ako. Hindi ko kasi maiwasan ang mainis. Huminga ako ng malalim saka pabulong na nagsalita. "Pwedeng bang tumahimik ka, Lieutenant Smith? Nawawala ako sa concentration." Hindi naman ito sumagot sa halip ay narinig ko na nagbuntong hininga ito. "Tatanggalin ko muna itong device sa tenga ko. Mahirap na, baka mabuko tayo." "Lieutenant Falcon, with all due respect. Hindi mo pwedeng--" Hindi ko na siya pinatapos magsalita sa halip at tinanggal ko na ang device sa aking tenga. In-off ko iyon at nilagay sa bulsa ng aking slock. Pagkatapos ay lumakad na ako papasok sa may entrance ng building. Tinungo ko agad ang reception area. May mga babaeng nakaupo sa mahabang sofa at halata na mga aplikante din ang mga ito. Palihim ko silang tinignan, lahat sila ay magaganda, seksi at maganda manamit. Napaisip tuloy ako, parang beauty pageant yata ang pinunta ng mga ito. "Miss?" biglang sambit ng babaeng receptionist. "Ma'am, I'm looking for Miss Janice," sagot ko. "Applicant?" tanong nito. "Yes." "Write your name here and then maupo ka na lang doon. Tatawagin ka na lang namin," ani nito at nilapit sa akin ang papel kung saan ko isusulat ang aking pangalan. Pagkatapos kong magsulat ay umupo ako sa sofa kung nasaan nandoon din ang ibang aplikante. Tahimik lang ako habang nakamasid sa paligid. Ang ibang aplikante naman ay nag-uusap. Hindi kalayuan ang pwesto ko sa kanila kaya naririnig ko ang kanilang kwentuhan. "Applicant ka rin?" tanong ng isa sa katabi nito. Tumango ito at sumagot. "Oo. Ikaw?" "Applicant din ako. Tingin ko applicant din 'yon," saka nito tinuro ang babaeng katabi ko. Ilang sandali pa ay may babaeng lumapit sa amin. "Miss Gomez," saka nito nilibot ang tingin sa amin. Tumayo naman ang babaeng nasa tabi ko. "I'm Miss Janice, follow me," sambit ulit nito at lumakad na paalis. Sumunod ang babaeng tinawag nito. Pumasok sila sa elevator at nakita ko mula sa aking reading glass. May dalawang lalaking naka suit na itim ang nakatayo sa gilid ng elevator. Palagay ko ay security ang mga ito. "Kanina ka pa?" tanong ng babae sa babaeng kausap nito kanina. "Oo, ang tagal nga eh. Alas syete pa kaya ako nandito." "Talaga? Ibig sabihin marami ang aplikante kanina?" tanong ulit ng babae. "Oo, pang apat na yata 'yung tinawag kanina." "Pang-apat? ibig sabihin may mas maaga pa sa atin?" Tumango ito at sumagot. "Balita ko mahigpit sila sa pagpili nang iha-hired. Kaya ang taas din ng offer nila. Saka halos lahat ng aplikante kanina magaganda, muka nga silang beauty queen." "Ganun?" ani ng babae na sinabayan ng pagkunot ng noo. Pasimple kong iniwas ang tingin sa kanila pagkatapos ay inayos ko ang aking reading glass. Mukang mahihirapan akong makapasok sa kompanyang ito. Sa suot ko palang ay malabong makuha akong sekretarya. Slock at tinernuhan na pink na blouse ang suot ko. Naka pony tail ang tali ng aking buhok at ang make up ko ay hindi ganoon kaganda. Hindi katulad sa dalawang aplikante na nasa harap ko ngayon. Naka skirt at nakadress na tinernuhan ng high heels shoes. Makinis, maputi at naka make up ang mga ito na para bang artista. Lumipas ang ilang minuto ay bumaba na ang aplikanteng tinawag. Malungkot ang mukha nito at tuloy-tuloy na lumabas sa exit ng building. Si Miss Janice naman ay muling nagtawag ng aplikante. Ganoon ulit ang nangyari. Sumakay ulit sila ng elevator. Makalipas pa ang ilang minuto ay bumaba ulit sila. Sa itsura ng aplikante ay mukang hindi rin ito natanggap. Lumipas pa ang halos isang oras at ako na lang natitirang aplikante. Mukang hindi rin pinalad ang aplikanteng kakababa lang. "Miss Sanchez?" baling naman sa akin ni Miss Janice. "Yes, Ma'am." Tumayo ako. Nakita ko ang pagtitig sa akin ni Miss Janice mula ulo hanggang paa. Para bang hinuhusgahan na niya ako na uuwi din akong malungkot. Gayunpaman, wala na sa isip ko ang bagay na ito. Kung hindi man ako matanggap ay may iba pa namang paraan. "Follow me," ani nito at lumakad patungo ng elevator. Tahimik kaming dalawa. Nasa gilid namin ang dalawang lalaking naka suite. Inayos ko ang aking salamin at pasimpleng hinawakan ang ballpen na nakasukbit sa bulsahan ang aking blouse. Mayroong spy camera ang ballpen na ito kaya narerecord nito ang nagyayari ngayon. Pinindot ng lalaki ang buton patungo sa dalawampung palapag. Ramdam ko mabilos na pag-angat na elevator, limang segundo lang ay nasa dalawapung palapag na kami. "This way," wika ulit ni Miss janice ng bumukas ang elevator. May mga empleyado kaming nakakasabay at nakakasalubong sa may hallway. May glass door din kaming nadadaanan. Sa kanang bahagi kami naglakad hanggang sa makarating kami sa dulo. Glass door din ang pinto, awtomatiko itong bumukas at pagkatapos ay lumingon sa akin si Miss Janice. "Come in," ika niya. Hahakbang na sana ako papasok ngunit sandali akong natigilan. Walang tao sa loob at ang nadoon lang ay ang isang upuan. May malaking salamin kung saan nakatapat ang upan at may speaker sa taas. "Come in, Miss Sanchez," ulit ni Miss Janice. Bahagya akong tumango at pumasok sa loob. Pagpasok ko ay bigla na lamang sumara ang pinto. Kunwari akong nagtataka ngunit ang totoo ay lihim kong sinusuri ang kwartong ito. "Sit down, Miss Sanchez." Napaangat ang tingin ko sa speaker. Lumapit ako sa upuan at umupo. Tahimik lang ako, naghihintay sa susuno na mangyayari. Parang interrogation room itong kwarto na to. Itong salamin na nasa harap ko tiyak kong may mga taong nasa likod nito. Nakatingin sa akin at inoobserbahan ako. Maaari kayang nandoon din ang taong hinahanap ko? Ang lider nila? "Miss Sanchez, I read your resume and you have a good credentials. I think hindi na ako magtatanong about don. Ang gusto ko na lang malaman ay marunong kabang mag-drive?" Kumunot ang noo ko pero mabilis ko ding binawi. Baka kasi pag hinalaan nila ako. Ngumiti ako saka sumagot. "Opo, I know how to drive." "Four wheels or two wheels?" tanong agad nito. "Both." Teka? Tama ba ang sinagot ko? Hindi kaya nila ako paghihinalaan na marunong akong mag-motor at mag-drive ng sasakyan? Nagpraktis naman ako kagabi ng mga dapat kong isagot pero ito yata ang tanong na hindi ko ine-expect. "Good. Last question, available ka ba anytime or anyday?" Kumunot agad ang noo ko ngunit mabilis ko ring binawi ng ngiti. Ano bang tanong yan? Special service yata ang gagawin ko sa mga ito. Anak ng! Hindi ako pwedeng humindi, kaya Oo na lang ang isasagot ko. Kung may mangyayari mang hindi maganda. Hindi ako magdadalawang isip na lumaban sa 'to. "Miss Sanchez?" ani nito nang hindi ako nakasagot. "Yes? I mean, yes. I'm available anytime or anyday," sagot kong sinabayan ng ngiti. "Good. We want someone who are dedicated to work in this company." Tanging pagtango ang aking sinagot ngumiti rin ako upang makita nilang desidido akong magtrabaho dito. Ngunit ang totoo mas dumami ang pagdududa ko. Mas lalo akong ginaganahan na imbestigahan ang boss ng kompanyang ito. "Okay, we'll give you the result in ten minutes. Stay there," wika ulit ng boses sa speaker. Tumango ako at nanatiling nakaupo. Naghihintay sa ibibigay na resulta. Mabuti na rin na mabilis silang magbigay ng result hindi na ako maghahantay ng matagal kung tanggap ba ako o hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD