"Ingat po, Lieutenant."
"Ingat po, Ma'am."
Napasaludo sa akin ang mga sundalong nadadaanan ko palabas ng gate. Sinasagot ko naman sila ng busina ng motor kung saan ako nakasakay.
"Thanks, ingat din kayo," sagot ko sa kanila. Paglabas ng gate ay mabilis kong pinaandar ang aking motorsiklo pauwi ng condo. Halos kinse minutos din ang byahe ko mula sa kampo patungo sa condo na aking tinutuluyan. Habang nasa daan ay sunod-sunod ang pag-vibrate ng aking cellphone sa bulsa ng aking jacket. Nung una ay naisip kong mamaya ko na lang ito sagutin. Hula ko ay si Mel ito kung hindi naman ay baka si Mommy. Ilang sandali pa ang lumipas ay panay na ang pag-vibrate na tila importante ang tawag. Nagpasya akong itabi muna ang aking motorsiklo at sagutin ang tawag.
"Unregistered number?" kunot noo kong sabi ng makita ang numerong tumatawag. Patuloy pa rin ang pag-vibrate nito kaya sinagot ko na ang tawag.
"Hello--" Hindi ko pa natapos ang pagsasalita ay nagsalita na agad ang nasa kabilang linya.
"Is this Dahlia Dalisay Sanchez?"
Napaisip agad ako. Wrong number yata itong tumawag. "Sorry, I think--" Sa ingay ng mga sasakyan na dumadaan ay hindi na ako narinig ng kausap ko, kaya naman nagsalita ulit ito.
"Congratulations, you been selected for a job interview tomorrow at One Omega Tower here in Pasay."
Napaisip ulit ako at ilang sandali lamang ay may kaunting kaba akong naramdaman. Mayamaya ay naalala ko ang sinabi ng aking pinsan. Dahlia Dalisay Sanchez ang pangalan mo. Simplehan lang natin pero sa looks ka babawi. Tutal maganda ka naman, insan.
Anak ng! Sa dami-dami ng pangalan ito pa talaga naisip niya? Pambihirang patis talaga! Pero okay na din mukang epektib naman ang naisip niya. Dahlia Dalisay Sanchez, hindi na rin masama.
Napailing ko at sinabayan ng sandaling ngisi. Ito na ang hinahantay kong pagkakataon. Mukang isa ako sa mga napili nilang aplikante.
"Hello, Miss Sanchez? Are you still there?" wika nito ulit nang hindi ako nakasagot.
"Yes po. I come tomorrow. Thank you, Sir," wika kong kunwari na tila napakahinhin na babae.
"Good, kindly look for Ms. Janice to assist you."
"Okay, Sir. Thank you," sagot ko at ito naman ay pinutol na ang tawag. Napatingin na lang ako sa aking cellphone pero di ko na napigilan ang ngumisi. May kaunting kaba pero mas na-excite ako ngayon. Makikilala ko na rin ang mga kriminal na 'to at hindi magtatagal sa kulungan na ang bagsak nito.
"See you again, Mr. Balbon," bulong kong nakangisi ng maalala ang hubad at balbon nitong katawan. Sinuksok ko ang cellphone sa bulsa ng aking jacket pagkatapos ay pinaandar ko na ang aking motorsiklo patungo sa bahay ng aking pinsan para sabihin ang magandang balita.
Pagbukas ng malaking gate ay tanaw ko na ang aking pinsan na nakaupo sa silyang malapit sa malaking pintuan. Nang makita niya akong papasok ay tinaas na niya ang kamay niya at kumaway. Ilang sandali pa ay nakarating na ako harap ng malaking pinto. Ipinark ko sa gilid ang aking motorsiklo at pagkatapos ay tinanggal ang aking helmet. Mabilis akong lumapit sa aking pinsan. Akmang kukunin niya ang isang basong juice sa lamesang nasa harap niya ay kinuha ko agad iyon at ininom hanggat maubos.
"May nangyari ba? Mukang humarurot ka papunta rito," aniya.
Nilapag ko ang basong wala ng laman sa mesa at pinahid ang aking bibig. Ngumiti ako sa aking pinsan. "I have a good news."
"Ano na naman 'yan? Problema na naman?" aniya.
Umiling ako at sandaling ngumiti.
"Yaya, pakikuha mo nga ulit ako ng juice, dalawa na ho," baling naman nito sa kasambahay na abalang nagwawalis sa sala.
"Opo, Ma'am," sagot naman nito.
Lumapit agad kami sa sofa at umupo. Hindi maalis ang tingin ng aking pinsan sa akin. Ilang segundo pa ang lumipas ay unti-unti na rin siyang ngumiti. "Tungkol ba yan sa ina-aplayan mo?" tanong niya.
"Yes," sagot ko na sinabayan ng pagtango. "Epektib ang resume ang pinasa mo."
Bahagyang tumawa ang aking pinsan. Kinuha aga niya ang juice na kakalapag lamang ng kasambahay sa lamesitang aming kaharap. "Tinuro ko na sayo ang mga dapat mong suotin. Siguro naman wala kang nakakalimutan sa mga advice ko."
Kinuha ko ang juice at ininom. "Planado ko na ang lahat. Nothing to worry," ani ko.
"Based on the information that I got. Magaganda at matatalino ang mga aplikanteng napili nila."
"Tsk," napaismid ako at napailing. "He's into drug kaya hindi malabong maging involve din siya--"
"Sa rape?" dugtong ng aking pinsan.
"Pwedeng Oo."
"Well, mag-ingat ka. Mahirap na misyon 'yan."
"I know, kaya nga nilapitan kita," sambit ko at ngumiti sa kanya. Pagkatapos ay hinaplos ko ang kanyang tiyan. "Thank you insan. Teka, kelan ka manganganak?"
"This month na ang due ko," sagot niya at hinaplos ang kanyang tiyan. "Excited na nga kami na lumabas siya," dugtong pa niya.
"Congrats, insan," sagot ko. Di ko napigilan ang ngumiti. Masaya ako dahil may pamilya na ang aking pinsan. Nag-matured na siya pero hindi pa rin siya nagbabago. Ang nagbago lang ay ang priorities namin sa buhay.
"Ikaw? Kelan mo balak magka-pamilya?" bigla niyang tanong kaya ang ngiti ko ay napalitan ng blankong ekpresyon.
Ilang minuto akong di nakasagot at ang tanging nagawa ko na lang ay ubusin ang orange juice na nasa harap ko.
"Natahimik ka yata? Mahirap bang sagutin ang tanong ko?" aniyang natatawa.
Wala akong sagot na maisip. Napailing na lang ako. Sa totoo lang, mahirap talaga itong sagutin. Unang-una paano ako bubuo ng pamilya kung wala naman boyfriend? Pangalawa, wala naman akong planong mag-asawa. Pangatlo hindi ko pa naranasan ang magkagusto.
Uuwi kana? 'Yan tayo, eh. 'Pag tungkol talaga sa bagay na 'yan nag-wo-walk out ka," biro niya.
Ngumiti na lamang ako at tumayo. "Aalis na ko, insan. Salamat sa juice," sambit ko. Akmang hahakbang na ako ay nagsalita ulit ang aking pinsan.
"Ingat ka pag-uwi. Balitaan mo na lang ako bukas," aniya.
Binalingan ko siya. Kahit kalmado ang kanyang boses ay halata naman sa mukha niya ang pag-aalala. Ngumiti ako upang maibsan ang kanyang pag-aalala. Sumaludo saka nagsalita. "Kaya ko 'to. Trust me. Okay?"
"Oo na," aniyang nakangiti.