~(CHANTAL LANE SY POV) Habang nakatingin ako sa litratong pinadala ni Hailey ay sinusubukan kong kontakin ito. It was a wedding gift parang katulad ng litratong niregalo namin kay Kier at Zen noon na wedding portrait. Nakailang tawag na ako ay hindi pa rin nito sinasagot ang cellphone. Ilang sandali pa ay sumagot rin ito. "Yesh, hellow what can I help you with?" Tila mo call center agent na anito. "What took you so long to answer the phone?" "Pinapatulog ko ang inaanak mo. What is that ba?" "Gusto ko lang sabihin na gusto kong ibalik ang wedding portrait na pinadala mo rito." "Oh, why? Hindi mo nagustuhan? Ganda mo kaya dy'an." "'Yung unang couple na binigyan mo ng ganitong litrato ayun at hiwalay na." Tumawa ito sa kabilang linya. It was really her idea na bigyan sina Zen at Kie