~(CHANTAL LANE SY POV) Bago kami tuluyang pumasok sa gate ng bahay nila, humarap muna ito sa akin at hinigit ang magkabilang kamay ko. "Whatever they say just don't mind it, okay?" Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Bahagya akong tumango. He kissed my forehead and caressed my hand. Sapat na iyon para mawala ang kabog sa dibdib ko. Pumasok kami sa loob ng bahay nila nang hindi niya binibitawan ang kamay ko. I felt so much better. Namangha ako sa ganda ng bahay ng mga ito. I loved the balance of classic and modern design. Mukhang mamahalin rin ang mga gamit sa loob. Iginiya kami ng katulong sa dining area. Kumabog ang dibdib ko nang makitang naroon na pala si tito, ang stepmom at stepsister niyang si Rianne. "Glad, you are here, hija." Sabi nintito. Bahagya akong napangiti.