~(CHANTAL LANE SY)
Muli akong dumaan sa Love Stop for breakfast. I was excited to go to work siguro ay dahil tumataas ang sales ng kompanya.
Wala sa loob na tumingin ako sa paligid pagkatapos ng breakfast. Usual. Kanya-kanyang business pa rin ang mga customers.
"Ms. Lane? Nagustuhan niyo po ba ang lasa ng pancake namin today?" asked Pon, trying to mimic my accent.
I almost rolled my eyes. Hilig niya talaga ang mang-asar.
"It tastes good."
"Hmmm..." Makahulugan itong ngumiti. "May hinihintay po kayo no? Hindi po kasi kayo nagmamdali kahit mag aalas-diyes na ho."
Bahagyang namilog ang mga mata ko at agad kong sinilip ang wrist watch ko.
"Oh gosh, are you kidding me?" Agad kong kinuha ang mga gamit ko sa table and stood up, "Thanks for reminding me--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang pagbaling ko ay nasubsubo ako sa isang matigas-- mabangong dibdib.
Muntik ko nang mabitiwan ang mga dala ko, mabuti na lang at nasapo nito iyon agad.
"You okay?" tanong nito nang nakahawak sa ulo ko.
Nakaramdam ako ng panunuyot ng lalamunan nang makita ko ang pamilyar na mga mta nito.
"I-I'm fine."
"Hmm, paalis kana?"
"Yeah..."
"Ako rin. Sabay na tayo."
Kumunot ang noo ko rito. "Hindi ba kararating mo lang?"
"Walang vacant seats."
"Dito, sir," singit ni Pon habang nakaturo sa table na kinainan ko.
"Tawag ka ng customer, oh." Turo ni Gabe kung saan.
"Sige, sir. Kunyari na lang po hindi ko alam na gusto niyo lang sumama--" Hindi ko na naintindihan pa ang sinabi nito dahil nilamutak ni Gaberielle ang mukha niya. "Let's go," anito sa akin.
Ito ang nagdala ng payong sa na binuksan ko dahil masyado nang tirik ang araw. Mayamaya ay kinuha nito ang braso ko at nilipat ako sa kaliwang side niya. Para akong kinuryente sa init ng kamay nito.
"Baka mahagip ka ng sasakyan." Huminto ito. "Ako nang magdadala ng mga 'yan baka mabigat." Tukoy niya sa laptop at folders na dala ko.
"It's fine, sanay akong bitbitin ang mga 'to everyday."
He didn't t insist. Nagpatuloy kami sa paghakbang.
"Hindi ka ba nagdadala ng sasakyan?" he asked.
"No, walking distance lang ang building from Local towers."
"Kailan ka pa lumipat?" muling tanong nito na nakakunot ang noo.
"4 months ago. Ang hassle na kasi ng traffic sa condo na tinutuluyan ko before."
"Hmm, ang tagal mo na palang lumipat hindi mo man lang ako nadalaw sa unit ko? Halos magkapit-bahay lang tayo, ah? Dalawa o tatlong kanto?"
"I don't want to come uninvited. Baka mamaya..." Binitin ko ang sasabihin ko.
Tumawa ito. "Hindi na ako nag-uuwi ng babae sa unit ko. 'Yun nga lang medyo magulo pa rin."
I wasn't sure kung good news iyon or what. Honestly, there were times na parang may nagtutulak sa aking puntahan siya sa unit niya pero mas malakas ang bulong ng isip ko na I shouldn't. Gusto kong magpaalam sa kaya bago ako pumunta. 'Yun nga lang, nawalan kami ng communication. 6 months hindi ko nakita si Gabe, at si Brent. Ni wala akong balita sa mga ito. Si Jade lang ang nakikita ko frequently. Bukod don, obvious naman na ilag itong pag-usapan ang tungkol sa ano man. Kamustahan lang, business, at mababaw na bagay-bagay lang ang pinag-uusapan namin. I respected na hindi ito nagbabanggit ng kung ano-ano tungkol sa mga kaibigan niya lalong lalo na kay Kier.
"Sa susunod na makita kitang maraming dala, ako nang magdadala ng mga gamit mo at... bawal kang tumanggi," he said.
"Kaya ko naman. Hindi mo kailangang magpanggap na gentleman. Akin na 'yang payong ko."
"Ibabalik ko na lang sa susunod, pwede?"
"Fine. Basta ingatan mo, kay Mommy 'yang payong na 'yan."
"What?" hindi makapaniwalang anito.
"Stupid," natatawang sabi ko at iniwan na ito sa labas.
Agad sumunod sa akin si Lyn pagdating ko ng floor. Binaba ko ang mga gamit sa mesa ko at ang coat ko sa likod ng swivel chair.
"Lyn, nakausap mo na ba si Alex? What did she say?" agad tanong ko rito.
"Yes, ma'am, ang sabi ho nasa office na si Ms. Zen. Hindi naman daw ho siya pumapalyang paalalahanan na kumain on time."
Bumuntong hininga ako nang makaupo ako sa swivel chair ko.
"Thank you."
It felt so sad na kailangan ko pa itong kumustahin through her assitant-Alex. Gusto ko sana siyang kumustahin personally kaya lang ay pakiramdam ko wala na akong karapatang itanong iyon sa kanya after I lied to her- or hindi man direktang pagsisinungaling but still... tinago pa rin namin ni Hailey sa kanya ang totoo.
I was trying to be patient. Alam kong kailangan niya ng oras to sort things out.
Pagkatapos ng office hours ay hindi na ako nagtagal pa sa opisina. Wala naman akong masyadong dapat gawin dahil the past few months wala akong ginawa kung hindi ang magtrabaho. Hailey seemed to be enjoying her love life, si Zen naman ay sinusubukang maging abala sa trabaho. I always eat and go out alone. I just realized that everything would always be different without Hailey and Zen by my side. Parte talaga sila ng buhay ko.
Hindi pa ako nakakalayo sa building nang maramdaman kong may sumabay sa akin sa paglalakad.
Sumulyap ako kay Gabe. Nakalagay ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa habang diretsong nakatingin sa daan.
"Ikaw na naman?" I asked.
"Napansin ko kasing may bibeng naglalakad mula do'n sa malayo kaya heto... nilapitan ko."
Nagsisimula na naman siyang mang-insulto. Mabuti na lang at maganda ang mood ko. Huminto ako at tinaasan siya ng isang kilay.
"Sinusundan mo ba ako?"
He chuckled, "Bakit naman kita susundan, Ms. Lane?"
I crossed my arms above my chest at tiningnan siya nang makahulugan. I knew he was lying. Kitang kita ko sa tabas ng pagmumukha niya.
"Tss..." Tinalikuran ako nito sabay hakbang palayo.
Huminto ito sa traffic light kaya naman nag-abot pa rin kaming dalawa. Habang tumatawid kami sa pedestrian lane, muli ko itong tinanong.
"Hindi mo talaga ako sinusundan?"
"Tss, hindi nga," sagot niya. "You are not pretty," bulong niya na sinadya niyang iparinig sa akin.
Kumulo agad ang dugo ko sa sinabi nito. Sa lahat ng taong nakilala ko, sa kanya ko lang naririnig na hindi ako kagandahan.
Akala ko ay susunod pa rin ito sa akin pero lumiko ito sa kanto, iyon ang daan papunta sa tower niya. So... hindi nga niya ako sinusundan.
Hindi man lang ito nagpaalam. Should he?
Habang naglalakad papunta sa tower na tinutuluyan ko. Naramdaman ko na may sumusunod sa akin. Pasimple akong tumabi sa side mirror ng isang sasakyan and saw him. Gaberielle. Nagtago pa sa likod ng poste ang tukmol.
Napangisi ako.
He was really following me.
Casual akong naglakad habang nakangisi. Nang makahanap ako ng tiyempo ay agad akong nagtago sa likod ng pader. Naririnig ko ang sapatos niya na para bang tumatakbo. Nang makalapit siya sa direksyon ko ay agad kong kinuha ang kuhelyo niya pagkatapos ay sinaputpot ko ang buhok niya.
"Ahhh! Ouuuch!" sigaw nito.
Hindi pa ako nasiyahan at tinuhod ko ang alaga nito.
"Araaaay!" he hissed in pain. Hinawakan niya ang alaga niya habang paulit-ulit na umiihip sa hangin.
Muli kong hinawakan ang kuhelyo niya at hinarap ang mukha niya sa akin. Halos magdikit ang mga mukha naming dalawa.
"Akala ko ba hindi mo ako sinusundan? Stalker ka 'no?"
"Yuck!" nakangiwing anito.
"So ano? Nagagandahan ka sa akin?" I asked.
"Tss..." Pinilit niyang lumayo sa akin at humawak sa alaga niya. "Ang sakit ng itlog ko."
Pinigil kong tumawa sa sinabi niya. "Next time don't follow me like a criminal."
"I just want to make sure that you'll get home safe, okay?" agad depensa niya.
Hindi ko alam kung bakit bahagyang kumislot ang dibdib ko kahit hindi naman bago iyon sa kanila. Noon pa man ay naninigurado na talaga ang mga ito na we were safe and comfortable. Kaya siguro hindi rin ako nahirapang makasundo silang magkakaibigan noon pa.
"Nakalimutan ko lang din sabihin na bukas ko na maibabalik ang payong mo."
Tumaas ang kilay ko. "You don't have to add excuses. You already said that earlier."
"Huh?" kunot noong tanong nito.
"What? Desperate much para makasilay sa ganda ko?" pagmamalaki ko.
"Tss," Napailing ito sa narinig. "Anong ganda? Saan banda?"
"Ang hirap sa inyong mga lalaki, nahuli na nagde-deny pa."
"What the heck? You're stereoty-"
"Shhh," suway ko sa kanya. "I don't want to hear your voice. Ibalik mo na lang ang payong sa susunod. I won't go to my office tomorrow."
He frowned. "Bakit? Saan ka pupunta?"
"Sunday bukas. Remember? I don't go to office every Sunday. I'll do general cleaning, laundry, church and more."
Bumuntong hininga ito. "Sayang..."