~(CHANTAL LANE SY POV)
"Bigyan mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw at patawarin mo ang aming mga sala..."
May mainit na kamay ang humawak sa palad ko habang nakaangat iyon sa ere. Napadilat tuloy ako bigla at napatingin sa lalaking nakangiti nang malapad habang nakatingin sa altar.
Si Gabe. Anong ginagawa niya dito?
Tinanggal ko ang tingin ko sa kanya at binawi ang kamay ko nang oras na para lumuhod.
Hindi ko siya kinibo hanggang sa matapos ang misa.
"Sinusundan mo ba ako?" naniningkit ang mga matang tanong ko sa kanya.
"Hindi no, dalas ko kaya dito," agad depensa nito sabay kaway kay Mother Lis na agad naman kumaway sa kanya pabalik.
Ilang months na akong nagsisimba dito but never ko itong nakita. Lumapit ako kina Mother Lis at Mother Sensa at nagmano sa kanilang dalawa.
"Kay gwapo naman niyang kasama mo, hija. Ngayon ko lang yata siya nakita?" ani Mother Lis.
Napangiwi si Gabe. I gave him a fake smile. Kita mo ang loko kasisimba lang nakuha na agad magsinungaling.
Bumaling ako kay Mother Lis, "Talaga po? Madalas daw po siya dito—"
"Mano po," putol nito sa sasabihin ko sabay mano kay Mother Lis at Mother Sensa, "Mauna na po kami." Tumawa ito ng alanganin pagkatapos ay hinawakan niya ako sa braso palabas ng simbahan.
Nang makalayo na ay huminto ako at binawi ang braso ko sa kanya.
"Sinusundan mo ako, ano? Umamim ka nga?"
"Hindi nga, ang kulit mo talaga." Kumamot pa ito sa ulo na parang naiirita na sa pagpapaulit-ulit ko.
Inirapan ko siya.
"Gusto mo ng ice cream? Libre kita," he said sabay lapit kay Manong na nagtitinda ng ice cream.
Lumapit naman ako sa kanya at nang iaabot niya na sa akin yung ice cream na nasa cone ay may tumulak sa kanyang naghahabulan na mga bata kaya tumama sa mukha ko 'yung ice cream na hawak niya.
"Pfft," Pigil nito sa tawa niya. "Sorry..."
Tiningnan ko siya nang masama at parehas silang tumawa ni Kuyang nagtitinda ng ice cream. Kinuha ko naman ang isang cone sa kamay ni Kuya na may laman na rin na ice cream at sinalpak sa mukha niya.
"What the eff!" Hindi makapaniwalang inangat niya pa ang kamay sa ere.
"Serves you right."
"Gano'n?" Kinalat niya pa ang ice cream sa mukha ko. Pati yata ang nasa mukha niya ay nilagay niya rin sa mukha ko.
Abot naman ang ilag ko sa kanya at gumaganti ako kapag may pagkakataon. For Pete's sake! I was wearing flat shoes at hamak tangkad nito sa akin. Hindi man lang ako makaganti!
"Ayieeeh!" Napatigil lang kami nang marinig namin iyon kay Kuya at sabay kaming tumingin nang masama sa kanya ni Gabe.
"Ehem..." He immediately cleared his throat at nagseryoso, "Gusto niyo pa po?" Abot niya sa amin ng isa pang cone ng ice cream.
Kinuha ko naman iyon at kinain. Ramdam ko ang panlalagkit ng mukha ko. Gabe chuckled at pinunasan ang mukha ko gamit ang panyo niya.
"Lalo kang nagmukhang ube," he said and chuckled.
Hindi ko nagustuhan ang pagtawa niya kaya sinungalngal ko sa bibig niya ang ice cream na kinakain ko. Natahimik rin ito.
Nag-ikot ikot kami sa park. Kung hindi mga bata ay couples ang karamihan sa paligid. ayamaya ay nagsalita si Gabe.
"Anong wish mo kanina?"
"Good health... long life, and motivation to do work everyday."
Nakita kong tumango-tango siya sa gilid ng mata ko.
"Ikaw?" I asked.
"I don't know what to wish, I just thanked him," he said.
"Uy, isaaaw!" sabi ko nang makakita ako ng isawan.
Agad naman akong nagtungo doon at agad kumuha ng lulutuin.
"Is that safe?" he asked nang makalapit sa akin.
"Pag namatay ka, eh 'di hindi," I answered sarcastically.
He shook his head smiling a bit, "Silly."
"Libre kita," I said.
Parang hindi niya gusto ang nakikita niya but still he nodded.
Self service iyon kaya siya ang nagpa-paypay. Pinapanood ko lang siya habang kumakain ako ng kwek-kwek at calamares.
"Gusto mo?" I asked him.
"What's that?"
"Hmm, tikman mo, hindi ka mamatay dito," sabi ko sabay tapat sa bibig niya ng kwek-kwek. Sinubo naman niya iyon.
"Oh, it's good."
"Told yah, heto pang isa." Sinubo ko sa kanya ang calamares at tumango-tango naman siya na parang nagustuhan ang lasa no'n.
"Gusto mo pa?"
He nodded. "Please."
Binilhan ko pa siya ng ilang piraso.
"Papi, beke nemen pwedeng pa-ishaw din nitong ishaw ko." Maarteng saad noong isang basing with his jeje friends. "Shege na plish!"
"Eh, bakit hindi ikaw ang mag-ihaw? Self service nga 'di ba?Do you know how to read?" pagtataray ko.
"Hmm tse!" Inirapan ako nito sabay flip kuno ng long hair niya.
Binaba nito sa lalagyanan ang mga isaw na hawak.
"Tara na nge!" tawag nito sa mga friends, "Ayoko sa mga koreanang hilaw!"
"Baklang 'to," bulong ko habang pinapanood sila palayo ng mga julalay niya.
Hindi ko na pinansin ang huling sinabi nito. Sanay naman akong mapagkamalaang Koreana o 'di kaya'y hapon. Mas madalang pa nga yata akong mapagkamalang Chinese though may dugo akong Chinese because dad was a Filipino-China while my Mom was a Filipino-Australian.
"Sungit mo naman, di ka pwedeng tindera," natatawang anas ni Gabe.
"Wala naman akong planong maging tindera," sabi ko sabay kuha ng isang stick sa iniisaw niya at sinubo iyon.
"Mainit be careful," he said.
Mag-iingat talaga ako. Baka mapaso lang ang puso ko sa'yo. Cheret.
Nag-arcade kaming dalawa ni Gabe. Halos lahat ng games ay nilaro namin. Nag videoke rin kaming dalawa and after that we decided to walk home. Dala-dala niya ang stuffed toy na napalanunan namin kanina.
"So is this a girl or a boy?" he asked.
I chuckled sabay haplos sa ulo ng stuffed toy.
"Hmm... gay," I answered.
"Seriously?" he asked giggling.
"I'm serious!"
"What's his name then?"
"Uhmm, Gay-brielle," I said and laughed on my own joke.
"You think that's witty, huh?" he asked sabay angat ng kamay ng stuffed toy at suntok non sa pisngi ko. "What about Chan-nak?"
"Noooo!" agad protesta ko sabay agaw sa kanya ng stuffed toy. It was big enough para mayakap ko. I also liked its skyblue color. My favorite color.
"What about Hap?" he asked habang patawid kami sa pedestrian lane.
"Hap?" kunot noong tanong ko.
"For happy. He's smiling, oh." Turo niya sa stuffed toy.
"Hmm... not bad."
Mabilis na akong nagpaalam rito nang makarating kami sa tower ko. Pagdating sa unit ko, agad akong humiga sa bed yakap si Hap. I looked up at the ceiling... I didn't feel tired at all. Pakiramdam ko ang bilis ng oras while I was with him. Ang dami naming nagawa sa loob ng isang araw and I must say na nag-enjoy ako.
Hindi man lang ako nakapaglinis ng bahay and laundry because I got home late. Mag-aalas onse na ng gabi.
On my free time, I went to Hailey's home. Paminsan-minsan ay dinadalaw ko ito lalo na kapag nami-miss ko siya.
Boses lang nito ang naririnig ko habang sinasabayan ang If Ever You're In My Arms Again na kanga sa radyo.
Nagpatuloy ito sa pagkanta hanggang makaupo sa tabi ko.
Dinungaw nito ang mukha sa mukha ko.
"Ngiting ngiti ah? Ganda ka niyan?" pang-aasar nito sa akin.
"Ewan ko sa'yo," saad ko habang ini-sketch ang shoes na susuutin niya sa wedding day niya.
Supposedly kinasal na sila ni Jade 3 months ago kaya lang they moved the date dahil nagluluksa pa ang lahat sa pagkamatay ni Kier and gusto rin ni Hailey na Zen was feeling better pag kinasal sila ni Jade.
"Anong meron? Kwento ka dali," pangungulit nito at inayos pa ang maiksing buhok ko.
"Wala! Tsismosa ka talaga!" natatawang saad ko.
"May papi ka na, ano? Gwapo ba?"
I rolled my eyes at her. "Wala. Tigilan mo ako."
"What? I'm just asking! Malay ko ba kung ikaw na ang susunod na ikakasal, hindi ba?"
"Hindi pa ako ready. You know that."
"Hindi rin naman ako ready, ah? Noong kinasal si Lester iniwasan ko si Jade kasi feeling ko talaga hindi ako ready, but you know what I realized? I realized na ready na pala akong sumugal ulit, and realized na naka-move on na ako kay Lester and I really love Jade. You know what? You should listen to this song!"
She even cleared her throat and waited for the chorus of the song. She sang it at the top of her lungs.
She was really talented. No question to that. Hindi ko lang maiwasang mapailing dahil basta boses niya ang naririnig ko ay sumasakit ang ulo ko.
"Parang ako at si Jade, parang si Zen at si Kier. Kinailangan ng space, kinailangan mawala muna bago mo ma-realize na mahal mo pala talaga siya, 'yun nga lang, wala ng babalikan si Zen. Puro if ever, walang forever."
Tumigil ako saglit sa ginagawa ko and gave her a bored look. "You should stop that radio. Feeling broken hearted ka masyado araw-araw ka namang nagpapadilig sa jowa mo."
"Sira!" natatawang hinampas ako nito sa braso. "I just can feel the song. Lalo kong na-realize na I am so lucky na may binalikan ako. Na nakabalik ako kay Jade pagkatapos kong mag-inarte. Kasi hindi naman lahat ng nag-regret, hindi lahat ng may na-realize ay may babalikan pa. It's just too late for them."
Saglit akong napatitig sa kanya. Well, she had a point.
"Kaya ikaw, I'm warning you. Kapag mahal mo 'yung isang tao don't wait for that person na mawala sa'yo bago mo mahalin ng much better. You should learn from Zen. Don't lose the person, Chantal Lane."
I again gave her a bored look. "I told you to turn that radio off."
She chuckled. "Fine, fine, fine."
Umalis ito sa tabi ko para patayin yung radio.
"Tell me those things kapag taken na ako," sabi ko at tinuon muli ang pansin sa ginagawa.
"I'm just getting you ready. You know why, huh?"
"What?"
Nang mapatay ang radio ay muli itong umupo sa tabi ko.
"Alam kong mabula 'yang pride mo. Kawawa magiging jowa mo, no."
Tinaasan ko siya ng kilay. "I'm worth it."
"Wow! Ibang iba talaga 'yang confidence mo, huh. Simula grade school tayo hanggang ngayon hindi nabawasan kahit katiting."
Natatawang hinampas ko sa kanya ang sketchpad. "Ayan, tingnan mo!"
Tiningnan naman ni ang sapatos na dinesign ko.
"Wuoh! I love it, bal. Gandahan mo color, ha."
"Demanding," bulong ko bago ipagpatuloy ang ginagawa.
"Why don't you design gowns din, bal? I guess magi-stand out ka rin sa linyang 'yon."
"Well, that is part of my plans."
"Tamang tama, nasa clothing industry rin si Ram," she said and wiggled her eyebrows.
"And so?"
"Anong and so? Eh, di back back back!"
Inirapan ko siya. "May girlfriend 'yung tao And obviously he have moved on. You don't have to mention him over and over."
"Naks, and you have moved on na rin ganern?"
"Really, naka-move on na ako," saad ko at muling bumaling sa in-sketch ko.
"Okay, cause someone's making you happy na?"
Hindi ko ito pinansin.
"I know who...." mapang-inis na anito.
Nilingon ko siya at parang kilig na kilig sa iniisip niya ang bruha.
"Tigilan mo nga ako. I'm making myself happy,"I said sabay baling muli sa sketch pad.
"Si Gabe no? Jade told me, Gabe's telling him some things about you."
Napatigil ako at tumingin sa nakangiting si Hailey.
"Anong sinabi sa'yo ni Jade?" I interestedly asked.
"Uyy," pang-aasar niya, "Interesado ang lola mo!"
"I am not. Baka mamaya sinisiraan ako ng lalaking 'yon."
She smiled widely. "Hindi naman, actually positive naman, like bumabait kana raw. Hindi kana masyadong nagtataray."
"Mabait naman talaga ako," I said and tried to hide my smile.
"Ikaw ha, soft ka pala," natatawang saad nito.
"Alam mo? Kapag hindi ka tumigil papabayaran ko tong heels mo. Libre na nga nangugulo ka pa, I cannot concentrate."
"Fine," natatawa pa ring anito.
Tinuloy ko ang pagi-sketch ko habang natahimik naman siya sa tabi ko. Mayamaya ay nagsalita ulit siya. Sinasabi ko na nga ba hindi niya kayang tiisin ang kadaldalan niya.
"Pero aminin mo, na-miss mo... hmmm!" Sinundot pa nito ang tagiliran ko.
"Bal!" natatawang saway ko sa kanya.
Ilang saglit pa siyang nangulit bago siya tumigil. Bigla na lang siyang bumusangot.
"Kamusta na kaya si Zen?" she suddenly asked.
"Pumapasok naman daw everyday at work. Sigurado ako she's trying to move on and occupy herself," I said.
"Sana nga... ilang beses na siyang pabalik-balik sa ospital. I'm afraid kung saan siya dalhin ng depression niya. Si Jade nalulungkot pa rin sa pagkawala ni Kier. Really, it was so unexpected, no one is prepared." Kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
Bumuntong hininga ako, "Bakit hindi mo kaya dalawin?"
"Gosh, last time na dinalaw ko siya sa opisina niya, it was so awkward. She won't say anything unless you ask her. Bilang na bilang ko sa daliri ko ang sagot niya. Bukod do'n, feeling ko ayaw niya akong kausap at nakakaistorbo lang ako sa trabaho niya."
I chuckled. "You always talk no sense kasi. Intindihin mo nalang. She's coping up."
"Paano kung galit pa rin siya sa atin?" Ramdam ko sa boses niya ang lungkot. Tumigil ako sa pag-sketch.
"Then so be it. Wala naman tayong magagawa, we just need to wait for the time na mapatawad niya tayo. We're always by her side, that's what matters."
Yumakap siya sa akin. Hinayaan ko namang sumandig siya sa balikat ko.
"Bal, miss ko na si Zen..."
Bumuntong hininga ako, "Ako rin."
"Our friendships, parang nag-sink lahat ng ships after Kier died."
"Maayos din lahat ng 'to. Sigurado, hindi tayo matitiis ni Russ, one day tatawag din 'yon. Hayaan na muna natin magluksa ang mga Sandoval kung nasaang panig man sila ng daigdig ngayon."
~(GABRIELLE SAAVEDRA POV)
Hindi ko alam kung ano pang excuse ang sasabihin ko para makausap ko siya. I f*****g don't know. I was not expecting na magiging interesado pa rin ako sa kanya after 6 long months.
Tumingin ako sa payong niya.
That was my last chance.
"Hi..."
Napalingon ako sa pinto. There was Rianne, smiling seductively at me.
"Hindi ka ba marunong kumatok?" Iritableng tanong ko sa kanya.
"Oops, sorry."
Pumasok ito sa loob ng office ko.
"Gusto ko lang itanong if you like to come with me. We'll be having dinner. Mom and Dad."
Tinapunan ko siya nang masamang tingin.
"Get lost, I would love to eat alone," I said coldly.
"You sure?"
"I said get lost."
"Fine, I'll see again soon," she winked bago lumabas ng opisina ko.
Tss.
~(CHANTAL LANE SY POV)
Again, nasa Love stop ako for breakfast. Seating in my usual spot simula nang magkasabay kaming kumain sa table na iyon.
I don't know. Maybe I just realized na maganda 'yung pwesto. Less people and katabi ang glass window. I found it so refreshing.
Somebody cleared his throat.
Nag-angat ako ng tingin and saw Gabe.
Dumadalas yata ang coincidence naming dalawa?
"May I sit here?" he asked.
I nodded habang iniisip ko na naman kung nakapag lagay ba ako ng makeup bago umalis ng unit ko. I just wanted to look presentable kahit sino pa ang kaharap ko. That was all. Perhaps.
I could feel that fast heartbeat whenever he was around. I was also feeling conscious. Tuloy-tuloy lang ako sa pagkain ng breakfast na parang wala lang sa akin ang presence niya, iniwasan kong tumingin sa mga mata niya dahil lalong hindi gumaganda ang takbo ng dibdib ko. He cleared his throat again.
"Uhm, may survey kasi ako dito..."
Uminom ako ng tubig, sabay tingin sa papel na hawak niya.
"So, it is your job to conduct a survey na pala? Let me see."
Kinuha ko ang papel mula sa kamay niya.
Name
Birthday
Address
Phone number
Telephone number
And there were questions below na yes and no lang ang choices. Situational iyon and I didn't think na business related. It was actually a bit personal.
Napangiti ako sabay kaway kay Pon. Agad naman itong lumapit sa akin.
"Pasagot naman nitong survey, my friend here needs it right away," I said.
"Ay sige po, Ms. Lane—" akmang aabutin niya iyon sa akin pero binawi iyon ni Gabe.
"Hindi pwede, kailangan babae 'yung sasagot," he said.
"Oh, ganu'n ba? Pon, patawag si Wendy."
"Masusunod po," agad itong umalis sa harap ko. Halos lahat ng crew nila ay kilala ko na.
Napabuntong hininga si Gabe.
"What?" tanong ko sa kanya.
"She cannot answer this, kailangan ano... business woman."
"Oh... okay, papasagutan ko kay Hailey when we—"
"I need it right now," he said.
"Sa owner nitong shop. Close kami."
Kumamot ito sa ulo.
"Nag... mamadali ka ba?" he asked.
"No. Not really."
"Then you can answer the survey for me."
Hindi naman talaga kami close ng owner. Charot charot lang.
I looked at his brown eyes. Mukhang gustong gusto niyang ako ang magsagot ng papel. Kinukutuban tuloy ako.
I cleared my throat at muling kinuha ang papel sa kanya.
"Bakit walang optional? And kailangan ba talaga ang address, and phone number sa survey mo?"
"Yep. I badly need it."
Naningkit ang mga mata ko. "What?"
"I mean... kailangan talaga para accurate ang survey."
Talaga lang ha? He really thinks that I'm stupid enough to believe that?