~(CHANTAL LANE SY)
Pauwi ako ng unit at hindi ko alam kung bakit abot ang tingin ko sa paligid. Para akong nakainom ng isang drum na kape at masyado ako nine-nerbiyos. Pati sa mga taong dumadaan sa tabi ko ay nililingon ko na I don't usually do.
3 days ko nang hindi nakikita si Gabe at hindi ko alam kung bakit may part sa akin na iniisip na bigla na lang siyang susulpot katulad ng ginagawa niya noon, but then nakauwi ako sa unit ng hindi ko ito nakita.
And so? Bulong ng isip ko.
After taking a shower and blew drying my hair, I went to bed and tried to sleep. Dapat ba sundin ko na ang sinabi ni Hailey na dapat na akong makipag-fling?
Sa totoo lang, the past few month simula noong naaksidente si Kier, simula noong maghiwalay kaming lahat, nakaramdam ako ng lungkot. Siguro ay nasanay lang ako sa mga tawanan at kwentuhan kasama ang mga ito kaya noong halos hindi na kami nagkikita-kita ay nanibago agad ako.
Bumuntong hininga ako.
Kapag nalulungkot ako noon at gusto ko ng seryoso at makabuluhang conversation si Zen lang ang nilalapitan ko. Hindi ko man sinasabi sa kanga ang mga pinagdadaanan ko, nagkakaroon ako ng view sa maraming bagay. Kapag gusto ko namang tumawa, silang dalawa ang nilalapitan ko. Hindi man maka-relate madalas si Zen, nakikitawa pa rin ito.
Zen was matured enough habang si Hailey naman ay walang ka-sense sense kausap. Puro kalokohan lang ang alam nito palibhasa simula bata hanggang ngayon ay wala itong ginawa kung hindi ang mag walwal.
I had no one to lean on bukod sa kanila. Mayroon pa rin akong mga kamag-anak pero pinili kong talikuran na ang mga ito. They took advantage of me noong namatay ang parents ko sa isang plane crash. Tumira sila sa bahay, nagwaldas ng pera, and used me para makuha ang mga luho nila.
Binalewala ko na iyon ngayon. I was ready to forgive but I could not promise them that I could trust them again.
At the age of 16 natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Pinag-aralan ko ang magpatakbo ng kompanya dahil ipinangako ko sa sarili ko na I would never disappoint mom and dad. Pinaghirapan nila iyon, pangarap nila iyon, that was why I did my best to save it and to make it a success.
Hindi ko maiwasang maluha kapag naalala ko sila. Kahit ilang taon na ang nakakalipas, nasasaktan pa rin ako.
Narinig ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Kinuha ko iyon sa side table at sinilip ang message.
The message was from an unknown number.
[Nakauwi kana?]
Ni-lock ko ang phone ko at muling nilagay iyon sa side table. Hindi ko ine-entertain ang mga unknown numbers. If it was about business, I would sense it.
Bumaling na ako sa left side ko para matulog pero muli kong narinig ang pag-vibrate ng phone ko.
[Maybe you're sleeping now, goodnight.]
Ni-lock ko ulit ang phone ko and again tried to sleep. Hindi ko alam kung bakit binabagabag ang isip ko at nacu-curious ako kung kanino galing ang message na iyon. Arrgh!
Muli kong kinuha ang phone ko and typed a message.
[Who's this?]
Wala pang isang minuto ay may reply na agad ito. In fairness.
[Pinaka gwapong lalaking nakilala mo.]
Agad tumaas ang isang kilay ko. Pakiramdam ko kilala ko na kung sino iyon. Still, I did not want to make assumptions.
[Zac Efron?]
[Mas gwapo pa]
[I'm sorry, pero wala na akong kilalang mas gwapo pa kay Zac Efron. Don't waste my time, bye.]
Ilang minuto na ang nakalipas hindi par rn ito nagre-reply. Of course, you said bye, woman. Bulong ng isip ko.
Ilang minuto akong nakatitig sa conversation waiting for his reply...
[Ang sungit talaga. Gan'yan ka ba sa boyfriend mo?]
Hindi ko alam kung bakit may nabuong ngiti sa mga labi ko.
[Are you asking if I have a boyfriend?]
[Hmm, kind of]
Ilang saglit akong nakatingin sa phone ko habang hindi pa rin nawawala ng mga ngiti sa labi ko. Seriously, kinakabahan na ako sa sarili ko. Hindi ko alam ang isasagot sa message nito.
[See you soon. Take care of Hap, okay?]
I knew it. I was right. It was Gabe.
Lumipas pa ang ilang araw hindi ko pa rin nakikita ang anino nito. After that night hindi na ulit ito nagpadala ng mensahe. Naiinis ako hindi dahil sa kanya. Well, partly ay dahil nga rito pero mas kinaiinisan ko ang sa sarili ko. Why was I feeling like that? Hindi naman dapat.
18 seconds bago ako makatawid sa pedestrian lane nang bumuhos ang malakas na ulan. Wala akong nagawa, I just stood there. Kahit tumakbo ay wala akong sisilungan. 'Yung iba, nakapagbukas agad ng payong, 'yung iba naman ay kumaripas nang takbo. Napairap ako sa mga couple na nasa paligid ko.
PAG MINAMALAS KA NGA NAMAN!
Tumigil rin ang ulan. No... hindi tumigil ang ulan. Sadyang may anghel lang na busilak ang pusong nag-share ng payong sa akin.
"You should have ran," he said.
Agad kumabog ang dibdib ko hearing his voice near my ear. Humarap ako sa kanya. I was right. It was Gaberielle. He smiled at me at hinawakan ang buhok ko.
"Ayan, nabasa tuloy wig ko."
Hinampas ko ang matigas niyang dibdib and glared at him.
"Anong wig? Bakit ba kasi ang tagal mong ibalik 'yang payong ko, ha?" Inirapan ko ito.
"Tsk, halika na." Hinawakan niya ang braso ko at tumawid kami sa pedestrian lane ng magkadikit. Halos nasa akin lang naman din ang buong payong. Ang kalahati ng katawan niya ay nababasa na ng malakas na ulan.
Sumilong muna kami sa Love Stop. We ordered our favorite coffee. Siya Latte habang cappuccino naman ang sa akin. Kahit mainit ang kape ay giniginaw pa rin ako sa lakas ng aircon. Nabasa kasi ang sleeves at skirt ko. Si Gabe naman tinanggal din ang coat niya na nabasa ng ulan. Hindi ko maiwasang tumingin sa white sleeves niyang basa.
I cleared my throat sabay inom ng kape. Kalma day!
"You look cold, may damit dito, isuot mo kaya?" he said.
Tumingin naman ako sa paper bag na nasa gilid ng table. I guess, apat na paper bag iyon.
"What's that?" I asked.
"Ah, pasalubong ko 'yan sayo. Galing New York."
Oh, galing pala siyang New York kaya pala nawala siya ng isang linggo.
Nagpalit ako ng T-shirt na may nakalagay na I at heart NY. Parehas kaming nakatingin sa glass window. Pinagmamasdan namin ang malakas na ulan.
"Crush mo si Zac Efron?" he then asked.
"Hmm-mm, san mo kinuha number ko?" Naniningkit ang mga matang tanong ko sa kanya.
"Secret," he said a bit smiling.
"Sa survey ano? Kasi ang totoo ako lang naman ang binigyan mo ng survey."
Naiiling na napangiti ito at humigop sa kape niya, "Mahilig ka talaga mag-assume ano?"
Tumaas ang isang kilay ko, "Nope. 99% hindi nagkakamali ang instinct ko and so far, hindi ko pa na-encounter 'yung 1% na mali ako."
He chuckled, "Silly."
I hated that he really looked good whenever he would smile.
"So, kabute ka talaga? Susulpot, tapos mawawala?" I asked. Hindi ko alam kung bakit I sounded so bitter.
"Bakit? Na-miss mo ba ako?" he asked teasingly.
Of course not. I shouldn't be missing you...
"I have no reasons to miss you."
"So..." Nakatingin siya sa kutsara niya habang hinahalo iyon sa kape niya, tumingin siya sa akin, "Kailangan pala ng reason para ma-miss mo ako?"
Nagkatitigan kaming dalawa. What's with him and I could not stop myself from staring? Ngayon ko lang naramdaman na naiinis pala talaga ako rito.
"Why did you stop texting me?" I suddenly asked. Hindi ko nga alam kung saan galing iyon.
"3 days ago? Ikaw nga 'yong hindi nagreply, I thought you're already asleep—"
"6 months ago," I cut him off.
Muli kaming nagkatitigan. Umayos siya ng upo at bumuntong hininga.
"I was told na layuan muna kayo."
Hindi ko alam kung bakit kumirot ang dibdib ko sa sinabi nito.
"Who told you that? Sandovals?"
Tumango siya at bahagya namang napaawang ang mga labi ko.
"Bakit? Wala naman kaming ginagawang masama." I couldn't believe that pero sinubukan ko pa ring itago ang inis ko.
"It's not you, siguro iniisip nila na you'll ask questions about Kier then tell it to Zen... hindi ko alam."
"Of course... we'll ask question. Hindi naman para kay Zen but also for us, gusto rin namin ng news about Kier dahil naging part din naman siya ng buhay namin."
"I'm sorry, they told me na for the meantime lang naman, after months... 2 months hindi ko na kasi alam kung paano ka i-aaproach."
I rolled my eyes at bahagyang ipinilig ang ulo ko. Tumingin ako sa labas ng glass window.
Hindi nga ako nagpalit ng number.
"Gusto ko rin naman silang intindihin dahil nagmo-move on sila. It was hard for them to decide also. Binigyan nila ng chance si Zen but she didn't grab the opportunity para makita si Kier sa huling beses."
Tumingin ako sa kanya, "Pinagsisihan niya 'yon, she's so hurt right now, hanggang ngayon umaasa siyang makakuha man lang ng information about Sandovals. What? They'll move on alone? Paano naman 'yung mga naiwan nila rito?"
Bumuntong hininga siya at hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng table. Agad kumabog ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay unti-unting nawawala ang pagsalubong ng kilay ko. Damn! What the heck was wrong with me?
Napapikit ako nang haplusin niya iyon. Mabilis kong binawi ang kamay ko bago pa ako malagutan ng hininga.
"Let's go, wala ng ulan," agad sabi ko and stood up.
Naramdaman ko namang sumunod ito sa likuran ko. Tahimik kaming nagakad papunta sa tower na tinutuluyan ko. Lagpas na sa kantong dapat niyang likuan ang daan papunta sa tower na tinutuluyan niya.
Huminto kami malapit sa entrance ng tower ko. Iniabot niya sa akin ang mga paper bags na hawak niya.
"Thanks," I said.
Inabot niya rin sa akin ang payong ko, "Thanks din."
I just remained looking at him. "Una na ako."
Akmang hahakbang ako papasok ng entrance pero kinuha niya ang waist ko, he pulled me closer and kissed my... cheek.
Hindi agad ako nakagalaw sa ginawa nito. Para akong aatakihin sa puso dahil sa hindi ko maipaliwanag na kislot sa dibdib ko. Lalong kumabog ang dibdib ko nang mapatingin ako sa mga mata niya.
"Reason to miss me," he whispered.