Kinabukasan ay maaga muli kaming umalis para isagawa ang misyon. Kailangan naming lumabas ng Thorndale dahil hindi na nito sakop ang Bundok ng Karimlan. At ngayon nga ay nandito kami sa bayan ng Lumbang, ang bayan na una naming tatahakin bago marating ang pakay namin. “Magandang umaga po. Maaari po ba kaming magtanong?” ani Ethan sa isang babae. Kasalukuyan itong nagwawalis ng harapan ng kanilang bahay at huminto nang makalapit kami. Tumingin siya sa amin at tumaas ang kilay, bahagya ring tumalim ang kaniyang mata. Napakapit ako kay Andrius. “Itatanong po sana namin kung-” Hindi na natapos ni Brianna ang sasabihin nang biglang magsalita ang babae. “Kung itatanong mo kung may pagkain kami, wala. Wala ang sagot ko. Lumayas kayo sa harapan ko at inaabala n’yo ang p