"Aalis ka na po ulit, grandmama?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. Kakababa lang namin ni Elizabeth at maghahanda na patungo sa university, nang makita namin si grandmama na bihis na bihis. Napatingin pa ako sa dalawang malaking bag na nakapatong sa sofa. Napakunot ang noo ko. Ang dami naman niyang dala? “Yes, darling. Nagkaroon ng problema ro’n sa isang business natin. Hindi maayos ng assistant ko at kailangang nandoon din ako,” sagot niya, napapabuntong-hininga. “Nai-stress na nga ako. Hindi na natatapos ang problema sa negosyo,” dagdag niya pa habang pinapaypayan ang sarili. “Hindi pa po kayo halos nakakapagpahinga. Hindi po ba talaga kaya nilang maayos? Mukha kayong pagod na pagod na," sunod-sunod na ani ko. Kakauwi niya lang kahapon at akala ko ay medyo ma