“I missed you my son,” malambing na ani ng ginang kay Andrius. “Ang tagal mong hindi dumalaw sa amin.” Malungkot ang boses nito habang mahigpit ang yakap sa anak. I could feel her overflowing love for his son. Habang pinapanood sila ay biglang pumasok sa isip ko ang aking ina. Ano kaya ang pakiramdam na mayakap din ng sarili kong ina? I know I have my grandmama and she never failed to make me feel loved, but what it feels like to have a mother? Gaano kaya kami kalapit sa isa’t-isa kung sakaling buhay pa siya? “I missed you too, mom,” sagot naman ni Andrius at pagkaraan ay siya na rin ang humiwalay sa pagkakayakap sa ina. Agad na nilingon niya ako at kinuha ang aking kamay. Nangatog ang tuhod ko nang bumaling sa aming mga kamay ang tingin ng ina ni Andrius. Hindi katulad nang kay Tito T