“Hindi n’yo pa po ba nakakausap ulit si grandmama, Mr. Tummy?” tanong ko isang umaga nang naglalakad kami patungo sa sasakyan. Ihahatid na niya ako patungo sa university. Si Elizabeth ay kanina pang maagang pumasok sapagkat kailangan daw silang mga iskolar sa Mourose. Madalas kasi ay kinakailangan pa rin sila ng university sa pagmi-maintain ng facility, o kaya ay sa tuwing may kailangang ipagawa ang ibang professors at kailangan nila ng assistance. I told her that we will pay for her full tuition so she will no longer think her expenses at school, but she insisted not to do that. Naaawa na rin kasi ako sa kaniya na pagod na sa klase ay pagod din sa responsibilidad sa university. “Yes, little pumpkin. Kaninang umaga lang ay nakausap ko siya at sinabing hindi pa siya makakauwi,” sagot niya