Mabilis na lumipas ang mga araw. At sa mga araw na iyon ay nakakapagtakang walang naging hakbang na ginawa ang mga nilalang na may bahid. Kahit sa mga karatig bayan ay walang naitalang paglusob na naganap. Ang pananahimik nila sa kabila ng pagkatakas sa kulungan ay mas nakakapagdulot ng pangamba sa bawat isa. “Always bring this knife, Elizabeth. Hindi tayo laging magkasama lalo na kung may misyon kaming pinupuntahan,” ani ko sa kaniya isang gabi habang nandito kami sa kwarto niya. Dito namin napagpasyahang matulog. Gabi-gabi ay hindi kami pumapalya sa pagtatabi sa pagtulog. Minsan ay sa kaniyang kwarto, madalas naman ay sa akin. Pero ngayong gabi ay dito kami sa silid niya. “Wow. Ang ganda naman nito,” aniya. Namamangha siya habang kinukuha sa akin ang ibinigay kong kutsilyo. Maliit la